#9 WHAT IF

119 5 0
                                    

"WHAT IF"
✒ : @maikavene

What if ang lahat ng mga pangyayari sa buhay natin ay hindi totoo.
What if panaginip lamang ang lahat ng ito.
What if magigising na lang tayo at nasa iba na tayong mundo.
What if mapag-alaman nating hindi pala tayo totoong tao.

What if lahat tayo ay galing lamang sa libro.
What if tayo pala ay mga tauhan lamang sa kwento.
What if ang mga tauhan sa kwentong ating binabasa ay siya palang totoong mga tao.
What if tayo pala ay hindi totoo.

What if tayo ay imbento lamang ng mga akala nating mga tauhan sa libro.
What if lahat ng pasakit sa atin ay gawa lamang ng mga may akda sa kwento.
What if ang kasiyahan natin ay nakabase lamang sa isusulat ng may akda sa kwento.
What if nagkabaliktaran tayo ng mga tauhan sa libro ng mundo.
What if pinaglalaruan lang pala tayo ng mundo.

TULA COLLECTIONWhere stories live. Discover now