Nais kong bumalik sa nakaraan kung saan masaya ako't walang dinadalang problema.
Kung saan no'ng bata pa'y nais ko lamang ang maglaro ng bahay-bahayan hanggang magtakip silim na.
Kung saan ay ipagluluto ako ng meryenda at ihehele pa.Ngayong nasa hinaharap na, ang dami ng dumadating na problema.
Ang hirap dalhin lalo na kung wala kang mapagsabihan at nag-iisa ka.
Dadating pa sa puntong umiibig kana, malalaman nila't pagsasabihan kang 'Ang landi mong dalaga.'Ganito ba kahirap ang tadhana? Na't pati pag-ibig ayaw na sa'yong ipadama, kahit kaibigang magiging kasangga hindi ipinagpala.
Malas ba ako? O talagang hindi lang ako gusto ng mga tao.
Kailangan ko pa bang baguhin ang sarili ko para lamang magustuhan nila ako? Gano'n ba katindi ang ugali ko't walang gustong samahan ako.Nais ko nalang bumalik sa nakaraan kung saan ang mundo ko'y puno ng kaligayahan.
Kung saan ang mga problema ay mayroong nagdadala.
Kung saan ako'y walang pakialam sa sasabihin ng mga tao sapagka't may taong handa akong ipagtanggol.
Kung saan ako at ang sarili ko lang ang naiisip ko.