#26 ULAN

80 4 0
                                    

"ULAN"

Maulap at madilim na kalangitan,
Ang ulan ay nagbabadya ng magpatakan.
Tumingin sa kalangitan, ang ulan ay biglang bumuhos,
Kasabay ng mga luhang hindi alam na dumausdus.

Napapangiti sa gitna ng ulan,
Habang ang mga mata'y may luha at may bahid ng kalungkutan.
Luha'y hindi mapapansin ng karamihan,
Dahil ito'y natatakpan ng ulang aking naging pantahan.

Kalungkutang nadarama, ulan ay nakikisama,
Bumuhos ng tuluyan at ako'y sinamahan.
Ipinaparating sa akin ang mensaheng,
"Hindi ka nag-iisa sapagkat may ulan kang kasama."

TULA COLLECTIONTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang