"BINIBINI"
@maikaveneMaraming binibini ang aking nasilayan,
Sa tabing ilog doon sila nagkakasiyahan.
Mga binibining nag-aawitan,
Sa kanilang mga mukha makikita ang labis na kasiyahan.Isang binibini ang bumihag ng aking mga mata.
Ang tawa nitong kay sarap makita,
At ang mukha nitong kay ganda.
Na siyang nagbibigay sa akin ng saya.Kinausap ko siya at nagplanong magkita.
At sa una naming pagkikita,
Ako ay napaibig bigla.Ipinapangako ko sa iyo ang aking pagmamahal.
Na kailan man ay hindi matatanggal.
Sa pagsapit ng ating kasal,
Ang pagmamahal ko sa'yo ay ipinapangako kong magtatagal.Inibig kita sa ating unang pagkikita,
Na naging dahilan ng ating pagsasama.
Hanggang ngayon ay mahal natin ang isa't-isa,
At kailan man ay hindi iyon mawawala.