#38 UNTITLED

9 3 0
                                    


Nakahiga sa madilim na bahagi ng buhay,
Nalulunod sa mga problemang binibigay.
Hindi makakilos dahil may gapos,
Pinapangarap na kalayaa'y hindi na humahaplos.

Karagata'y kay lalim,
Gano'n din ang aking napakadaming iisipin.
Gubat sa gabi'y kay dilim,
Parang buhay ko, walang makikitang kulay kundi puro itim.

Nawawalan na ako ng pag-asa,
Pag-asang aangat pa.
Kapalaran na ang nagtakda,
Panahon na para naman ako'y magpahinga.

TULA COLLECTIONDonde viven las historias. Descúbrelo ahora