#13 PANGARAP

147 3 0
                                    

"PANGARAP"
✒ : @maikavene

Mula no'ng ika'y aking masilayan,
Tinataglay mong kagandahan.
Hindi ko alam ang gagawin,
Dahil sa'yo ako'y napamahal.

Laman ka ng puso't-isipan,
Hindi na malilimutan.
Ano bang mayro'n ka't
Ako sayo'y napamahal.

Pinangarap kong ika'y aking maging kasintahan.
'Di na maawat ang pusong sa'yo ay mapamahal.
Mula umpisa hanggang katapusan,
Pag-ibig ko sa'yo ay hindi mawawakasan.

Dahil sa'yo ito'y aking naramdaman,
Kaya handa na kitang ligawan.
Gawing kasintahan, dadalhin sa Simbahan,
Doon papangakuan at papakasalan.

TULA COLLECTIONDonde viven las historias. Descúbrelo ahora