Pinagtagpo ng panahon ngunit hindi itinadhana.
Masakit tanggapin ngunit wala na tayong magagawa.
Kung alam ko lang na dito tayo hahantong na dalawa,
Sana sa una palang hindi na kita nakilala.
Para walang sakit na madarama.Luha'y parang ilog na walang tigil sa pag-agos.
Naitatanong ko sa sarili kung kailan ba ito matatapos.
Hindi alam ang gagawin, nalilito kung may tayo pa ba o wala na?Sa mga kilos mo, napaghahalataang ayaw mo na.
Halatado na ngunit ayaw parin tanggapin ng aking sistema.
Bulag na kung tawagin ngunit wala akong magagawa.
Alam kong hindi ako ganito ngunit anong magagawa ko? Epekto na ito ng pagmamahal na hindi ko hiniling ngunit kusang dumating kaya ako ngayo'y puro na daing dahil ang sakit damhin.