#27 UNTITLED

60 3 0
                                    

UNTITLED

Tubig na kumalawa,
Hanging nagpapahina,
Sinag na nakatatakot,
Dilim na nakakikilabot.

Bulaklak na nalalanta,
Plorerang nasisira,
Ugat na hindi makagapang,
Ang bunga ay wala.

Isdang hindi malaya,
Mga halamang dagat na nanghihina,
Mga batong hindi matirahan,
Ang buhay ay walang patutunguhan.

Araw na mainit,
Hapdi sa aking katawan ang hatid.
Buwang nakasilip,
Kalungkuta'y pilit iniyayakap sa'kin.

Malamig na simoy ng hangin,
Pilit pinapabagal ang aking hangarin.
Tibok ng puso'y pinatitigil,
Ipinaparamdam na ito na ang magwawakas sa akin.

TULA COLLECTIONWhere stories live. Discover now