#14 UNTITLED

87 3 0
                                    

"UNTITLED"
✒ : @maikavene

Bakit ganito ang aking nararamdaman,
Puso ko'y iyong sinaktan.
Hindi ko man lang alam ang dahilan,
Kung bakit ako'y iyong iniwan.

Gabi-gabi akong nagdurusa,
Na hiniling kong sana ito'y matapos na.
Ang sakit isipin na ako'y hindi na saiyo mahalaga,
Dahilan kung bakit ako'y iniwan mo na.

Pinilit kang kalimutan,
Ngunit ang tangang puso ko'y ayaw kang pakawalan.
Puso ay unti-unti ng nadudurog,
Dahil alam kong sa'yo ako'y hulog na hulog.

Hindi ko alam kung ako'y makakaahon pa,
Ang pagmamahal ko saiyo'y hindi nag iba.
Ngunit ako'y iniwan mo na at hindi na binalikan pa,
Kaya simula ngayon ay bibitawan na kita.

TULA COLLECTIONWhere stories live. Discover now