#29 UNTITLED

55 2 0
                                    

Malakas na hampas ng alon ng karagatan,
Buwang nagliliwanag sa kabuoan.
Mala crystal na talsik ng tubig,
Kagaya ng nag-iilawan mong pag-ibig.

Nakatingin sa kalangitan,
Naaalala ang ating nakaraan.
Pilit mang kalimutan,
Ngunit sa hampas palang ng alon ay naaalala ko ang ating mga pinag daanan.

Mga bituin kumikinang sa kalangitan,
Pinalaalala kung aling bahagi ang ating inumpishan.
Mga kulay nitong nagliliwanag,
Tila ikaw na siyang nagsisilbi kong liwanag.

Bundok na matayog,
Kaya ko bang akyatin sa isang indayog?
O baka naman ako'y muling mahulog,
Sa mga salita't galaw mong ako'y hinubog.

TULA COLLECTIONWhere stories live. Discover now