#15 SANA'Y MAPANSIN

93 3 0
                                    

"SANA'Y MAPANSIN"
✒ : @maikavene

Gabing madilim,
Mga bituing nagniningning.
Luhang kumikislap sa dilim,
Aking mga salita'y inyong dinggin.

Ako ay nananalangin,
Upang kayo ay patawarin.
Sa inyong mga hangarin
Na kasama ang pagiging sakim.

Kahit anong dasal ang gawin,
Ang mundo ay ganoon parin.
Iyak ang maririnig sa gabing madilim.
Mga inosente'y nadadamay dahil sa inyong pagiging sakim.

Samahan ninyo akong manalangin,
Itama lahat ng mga maling gawain.
Dahil ang lahat ay may karapatang magbago,
Kahit ito pa ang pinakamasamang tao.

TULA COLLECTIONOù les histoires vivent. Découvrez maintenant