#7 LUHA

147 8 0
                                    

"LUHA"

Ako'y isang taong mababaw ang luha,
Maliit pero masasakit na salita.
Madali akong mapaluha,
Kahit pigilan ma'y di ko magawa.

Pinilit ko mang pigilan,
Luha'y pumapatak ng tuluyan.
Kapag nagsimula ng umagos,
Hindi ko na alam kung kailan matatapos.

Sa mga masasakit na salitang kanilang tinuran,
Ang luha ko'y hindi na mapigilan.
Parang patalim na sumaksak sakin,
Nang bumaon ay mahirap ng bunutin.

Sa oras ng kalungkutan,
Unan ang siyang naging sandigan.
Sa oras ng pag-iisa,
Buwan ang siyang kasama.

Luha ay hindi sukatan ng tapang,
Hindi lahat ng lumuluha ay mahinang nilalang.
Minsan kailangan nating lumuha para maibsan ang ating nararamdaman
At mabawasan ang bigat sa kalooban.

*****
A collaboration with: Azeriel Shane David and Maica Airiel Leano

TULA COLLECTIONWhere stories live. Discover now