#11 PAUMANHIN

92 3 0
                                    

"PAUMANHIN"
✒ : @maikavene

Puso mo'y aking nasugatan,
Nang hindi ko man lang nalalaman.
Ipagpaumanhin mo ang aking tinuran,
Dahil alam kong ika'y aking nasaktan.

Sa gabing madilim ikaw ang naiisip,
Buwan na kumikinang sa bintana ay aking sinilip.
Ikaw ay aking naaalala,
Dahil ang iyong pangalan ay sa buwan ipinamana.

Iyak ang siyang maririnig tuwing gabi,
Dahil alam kong ang sugat na nagawa ko sa iyo malaki.
Hindi ko maitatanggi,
Ang mga salitang aking tinuran ay walang kasing hapdi.

Kung iyong mararapatin,
Ako ay kusang loob na humihingi ng paumanhin.
Sa mga salitang aking tinuran,
Ako ay humihingi ng paumanhin sa aking mga nagawang kasalanan.

TULA COLLECTIONDonde viven las historias. Descúbrelo ahora