#4 PAGMAMAHAL

215 6 0
                                    

"PAGMAMAHAL"
:@maikavene

Una kitang nasilayan,
Sa unang araw ng pasukan.
Walang pumapansin sayo dahil baguhan ka pa lamang,
Kaya kinausap kita at naging kaibigan.

Sa sumunod na araw ay hindi ko namalayan.
Ang aking puso ay tumitibok ng malakas sa tuwing ika'y aking masisilayan.
Hindi ko napansin, ako pala ay nahulog na ng tuluyan.

Nag-aalangang umamin sa'yo,
Dahil baka ako ay itaboy mo.
Ngunit naglakas loob akong ipahayag ang nararamdaman ko,
Na siya ring ikinatuwa mo.

Hindi ko aakalaing susuklian mo ang pagmamahal ko.
Tinatrato ako ng tama at sinusuportahan ng todo,
Na siyang naging dahilan kung bakit masaya ako.
Ganito pala kasaya ang magmahal ng totoo.

TULA COLLECTIONWhere stories live. Discover now