CHAPTER 7

53 45 0
                                    

Caught in the Shadows



Pagkatapos kung umalis sa mansyon, nagmamaneho ako pabalik ng hospital para eh check si lola.

My eyes gets blurry, my tears rapidly flows in my cheek. Ganito lagi ang nangyayari sa tuwing nagpapatawag ng family meeting si lolo, ni hindi ko nga alam kung dapat ba akong dumalo sa FAMILY meeting nila!

Hindi ko maintindihan, hindi ko alam kung anong dapat kung gawin o kung saan ako lulugar. Magsalita man ako o manahimik, may gawin man ako o wala, sagotin ko man sila pabalik o hindi, It always end up like this, I always end up crying.

Tuwing nagtitipon-tipon kami, ako nalang lagi ang laman ng usapan, ’yung mga maling nagawa ko, mga isyong naririnig nila tungkol sa’kin, mga storyang gawa-gawa nila, at kung ano-ano pa basta't masiraan lang nila ako, ganon palagi.

Isa akong Aelazar kaya akala ng maraming tao spoiled brat ako, masagana ang buhay ko, na maswerti ako. Ang dami ngang na iinggit sa’kin eh dahil anak raw ako ng isang Aelazar, kung alam nyo lang, I wish I wasn't. Sana ipinanganak nalang ako sa isang simple at katamtamang pamilya, siguro mas naging magaan pa ang buhay ko.

Bata pa lang ako inaabuso na nila ako, sinasaktan, minamaltrato, kung ano-ano nalang ang ginagawa nilang pananakit sakin, pinapalo ng kung ano-anong bagay na makita nila, kinukulong sa cabinet, hindi pinapakain tuwing may kasalanan akong nagagawa. Laging sinasabi ni tita Viña na hindi daw ’yun pang-aabuso kung hindi pag-didisiplina. Kaya lumaki akong takot magkamali, hindi ko alam na dahan-dahan na pala akong na tutrauma sa ginagawa nila. May sarili akong kwarto kung saan lagi akong nakakulong, sa tambakan namin ng mga lumang bagay. I was deprived of the things that normal kids should have, kahit mga basic necessities.

Natuto akong alagaan ang sarili ko, tumayo sa sarili kong paa. Naging independent ako, hindi ko kailangan ng mag-aalaga sa’kin dahil kahit noon pa, sarili ko lang ang meron ako.

Imagine, sa murang edad kaya ko ng gawin ang mga bagay na hindi ko pa dapat ginagawa.

“Kailangan ko pa ng gabay ng isang magulang” ’yan lagi ang nasa isip ko noon sa tuwing napapahamak ako sa mga ginagawa kong gawaing bahay, na dapat ay gawain ng mga mas nakakatanda sa’kin.

Nararanasan ko lang maging isang natural na bata sa tuwing kinukuha ako ni lola, kaso bihira lang ’yun mangyari dahil pinagbabawalan ako nila lolo, minsan nga ninanakaw nalang ako ni lola sa tuwing wala sila.

Sa kanya ko lang naramdamang alagaan. Dahil kay lola nakakalabas ako ng bahay, nakakapaglaro, nakakapasyal sa parke, at nakakakain ng masasarap na pagkain. Sa tuwing hinihiram ako ni lola palagi nyang ginagamot ang mga sugat ko, mga paso, at mga pasa na dulot ng pagpapahirap nila lalo na ni tita Viña.

Sa murang edad ko noon hindi ko maintindihan kong bakit nila sa’kin pinapagawa ang mga gawaing bahay na dapat ay gawain ng mga katulong o ng mga taong nasa tamang edad na. Hindi ko rin maintindihan kung ano ang dahilan at ganun nalang ang galit ni tita Viña sa’kin. Kaya iniisip ko lang lagi na dapat hindi ako magkamali para hindi ako masaktan.

Madaming nagsasabing mabuti akong bata at pinagpalad sila na magkaroon ng anak na katulad ko. Maganda raw, mabait, talentado, at matalinong bata. Ngunit sa kabila ng mga papuri na aking natatanggap, palagi paring hindi sapat ang mga ’yon para maipagmalaki ako ng aking mga magulang at pamilya.

Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral at laging nagtatapos ng may mataas na marka pero ni isang papuri hindi ko narinig galing sa kanila.

Nagtimpi ako, hindi ako nagtanim ng galit sa kanila at nanatili ang respeto ko pero ubos na ang pasensya ko! This is too much! sumusobra na talaga sila! 19 fucking years naging miserable ang buhay ko. It all started when my sister died, namatay sya ng dahil sa sunog. Simula ng namatay sya ganun na nila ako ituring, sinisisi nila ako sa pagkawala ni ate. Ako raw ang dahilan ng sunog na ’yun but I was just 4 years old that time, I know nothing, ni hindi ko alam kung ano ba talagang nangyari nong mga panahong ’yun.

Art of Letting GoWhere stories live. Discover now