Shared laughter and adventures"Ano 'to date?" nagtatakang tanong ko ng makapasok ako sa bahay ni Xy.
Naagaw ang atensyon ko ng isang mesang puno ng paborito kong pagkain; may dumplings na katakam-takam dahil sa mamumulang itsura nito na nababalot ng maanghang na sauce, makesong fries at pizza, matamis na smoothies at doughnuts, ngunit mas kaagaw-agaw pansin ang isang white cup na may printang Brazil Crop Cerrado sa harap.
"Where did you buy it?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ang alin?" napatingin naman sya sa gawi ko at hinarap akong naka-salubong ang kilay.
"The coffee"
"Ah yan ba? binili ko"
"Saan?" napakunot noo sya sa tanong kong 'yun.
"Malamang sa coffee shop Azh, alangan naman sa hardware?" sarkastikong sagot nya.
"Alam kong sa coffee shop yan nabibili, Xy! ang tinutukoy ko'y kung saang coffee shop?"
Nagkibit balikat muna sya bago sumagot "Sa main branch nila sa France, bakit?"
Napanganga ako sa sagot nya.
"What? Pumunta ka ng France para bumili lang ng kape?"
Tumango sya at tinalikuran ako ulit "Walang available n'yan dito, 3 months pa bago magkaron ng gan'yan sa Barista Lounge at pwede ba? Wag ka na ngang magtanong at umupo ka nalang" ani nya.
"Anong nakain mo't puro paboritong pagkain ko ang binili mong snacks?"
Nilingon nya muna ako uli bago magsalita "Eh alangan namang pakainin kita ng ayaw mo? gusto mo ba ihain ko jan ay seafoods, durian, at vanilla milkshake instead of Brazil Cerrado? mga pagkaing bawal sayo? shunga ka talaga, tch." ani nya at inirapan pa ako.
"Napaka-init ng ulo mo Xy! Alam mo 'di na ako magtataka kung magmumukha kang singkwenta kahit bente sais ka pa!" singhal ko sa kanya.
"Ah talaga!? Eh andami mong tanong eh!" singhal nya pabalik.
Natawa nalang ako sa inakto nya at napabuga ng hangin.
"Oo na! salamat. Na-miss ko na rin ang kapeng 'to eh" ani ko at inabot ang kapeng nasa harap ko.
Hindi mahilig si Xy sa kape, may ensomya kasi sya kaya ipinagbabawal ng kanyang doctor ang pag-inom ng kape.
Hindi ko alam kung anong nagawa ko para biyayaan ako ng Diyos ng isang kaibigang tulad nya.
I may not always expressing my gratitude but God knows how thankful I am to have them, to have a friends like them.
Paano nga ba kami nagkakilala at naging matalik na magkaibigan ng babaeng 'to? Eh hindi naman ako mahilig makisalamuha at makipagkaibigan lalo na sa mga tulad nyang may pagka-masungit at mainitin ang ulo.
Way back high school days, sa isang dome na puno ng iba't-ibang mukha, doon ko sya unang nakilala. Naalala ko pa non may event sa school kaya puno ng estudyante galing sa dalawang pribadong paaralan ang dome.
Nasa harap ako ng dome n'on at napatigil sa entrance, hindi ako mahilig sa crowded places kaya nagdalawang isip akong pumasok pero dahil nga wala akong choice at malilintikan ako kay lolo kapag hindi ako um-attend sa event aside from that isa din ako sa hinintay'ng qualifier kaya wala akong magagawa kundi ang pumasok na lamang.
Unang hakbang ko pa lang dinampian na ako ng kamalasan, naramdaman kong may malagkit akong naapakan, sa sobrang kaba ko dahil maraming tao 'di ko napansin ang dumi ng aso na nasa harap ko lang pala.
"Lintik paano naman nagkaroon ng dumi ng aso rito?" tanging nasabi ko ng mga oras na iyun.
Nasapo ko ang noo ko dahil sa katangahan ko.
Pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil hindi ko pa pala naalis yung paa ko sa duming na apakan ko. Gulong-gulo ako ng mga panahong 'yun, sounds dramatic pero hindi ko talaga alam kung anong dapat kong gawin, kung aalis ba ako doon dahil natutunaw na ako sa mga tingin nila o manatiling naka tayo doon dahil hindi ko magawang gumalaw sa kahihiyan.
Muntikan na akong ma-iyak dahil sa bumabalot na hiyang nararamdam ko ng mga panahong iyun ng may biglang tumapik sa balikat ko.
A stranger approach me and ask me if I need help, umiling-iling pa ako non kasi nahihiya akong manghingi ng tulong but she didn't listen, she insisted. Walang pa sabi, she grabbed my hand at hinatak ako papasok sa dome, I don't know what she's doing or where she's going basta ang alam ko lang non kinain ako ng hiya dahil masikip na ang loob ng dome kapansin-pansin kami pati ang amoy ng dumi sa paa ko. Napayuko na lang ako para itago ang hiyang nararamdam ko at paika-ikang naglakad kahit 'di ko alam kung saan ba ako dadalhin ng babaeng humahatak sa'kin.
Pinabayaan ko lang syang hatakin ako sa kung saan nya pinaplanong pumunta at ilang minuto nga lang ay hindi ko na namalayang nakarating na pala kami sa banyo. Tinulungan nya rin akong linisin ang duming na sa sapatos ko. Sabay kaming lumabas sa banyong yun at nagtungo sa kanya-kanya naming quarters. Pagkatapos ng event ay niyaya ko syang lumabas para makapagpasalamat. After our first hangout nasundan iyun hanggang sa napadalas na, dumalas na ang paglabas namin para gumala at kumakain ng sabay.
Naalala ko pa noong nakipagsapakan sya sa mga kaklase ko dahil pinagtanggol nya ako. Pagkatapos nyang malaman na lagi akong binubully ng mga classmates ko, nabalitaan ko nalang na nag-transfer sya sa paaralan namin at naging mag kaklase kami. Madalas syang mapa-away ng dahil sa'kin, dahil lagi nya akong pinagtatanggol, ganon sya katapang, tapang na hindi biniyaya sa'kin ng may kapal.
That stranger became one of my closest and the best friend I have. Simula ng mga panahong 'yun hindi na sya umalis sa tabi ko until now she's always my rescuer, reliever, a shoulder I can always lean on.
The lonely old me, introvert ika nga, fades and found a reliable friends because of her. Naging kaibigan ko sina Alli, Abby, Kendra at ang kambal na heiress ng Cuevas; Kierrah and Sierrah.
Nagkaroon ako ng mga kaibigang nasasandalan ko sa tuwing pagod na pagod na ako na tumayo sa sarili kong paa, mga kaibigan na ngayo'y tinuturingin ko nang pamilya and it's all because of her, because of Xy.
YOU ARE READING
Art of Letting Go
Romance"Nobody had ever mastered the art of letting go." Breakups can be traumatic, leaving emotional scars that linger long after the relationship ends. Have you ever experience that your happiness is tied to someone else? What if letting go could be yo...