Sweet Distractions‘‘Kamusta na ’yung preparations?” tanong ni Kierrah
‘‘Ok na ’yung music, venue at pagkain ang invitations and activities nalang ang p-problemahin natin.’’ Abby replied.
‘‘Napagplanohan na namin ni Azh ang activities kaya tumulong nalang kayo sa pag gawa ng invitation cards at pag-distribute nito.’’ saad naman ni Xy.
‘‘—at syempre ang pag-aayos sa venue, aside from that wala na’’ singit ni Alexa, dati naming sipsip na kaklase.
‘‘Ok so I guess yun nalang, pwede na siguro tayong mag lunch? Kanina pa ako nagugutom eh’’ pag-aaya ni Alli
Tumango-tango naman sila at sumang-ayon, may nag volunteer naring mag order kaya nanatili kami sa mesa habang naghihintay.
‘‘Guyss!’’ pambubulabog ni Gael at binababa ’yung cellphone nya na kanina nya pa hawak, napatingin naman kami sa kanya na bakas ang kwestyon sa mukha.
‘‘Oh, dos?’’-Dave
‘‘What!?’’ pag mamataray ni Kendra sa kanya
‘‘Wala kendra, hindi ka kasali kaya wag ka ng makinig’’ Gael replied
‘‘Pfft, gago ka Dos’’-Jairo
‘‘Pwede ka na daw’ng lumabas Kendra, pfft’’ pang-aasar ni Dave sa kanya at may pa high five pa silang dalawa, inirapan na lamang sila ni Kendra at nag kabit ng earpads.
‘‘Gago ka tol nag tampo na tuloy si Kendra’’ ani ni Jairo
‘‘Ano ba kasi ’yung sasabihin mo?’’ usisa ni Xy sa kanya
‘‘Ano kasi love, I've discovered something’’ Pa simpling ani niya at binubuksan ulit ang phone nya.
‘‘Ano?’’ mataray na tanong nito hababg pinipigilan ang kung ano mang emotion na nararamdaman nya.
‘‘Alam nyo ba...’’ seryosong ani ni Gael at binababa ang cellphone na hawak nya para harapin kami na kanina la naka-focus sa kanya ang atensyon ‘‘Alam nyo ba na walang umaga sa Japan?’’ pagpapatuloy nya
‘‘Anong sinasabi mo Gael?’’ agad na tanong ni Abby
‘‘Bobo ka dos, meron.’’ pagtutul naman ni Dave
‘‘Wala nga!’’ Gael insisted
‘‘May umaga sa kanila, hindi ka talaga nakikinig tuwing nag-didiscuss si ma'am noon eh’’ pagtutul din ni Xy sa kanya
‘‘Oo nga naman Gael, meron kaya’’-Alli
‘‘Wala nga... walang umaga sa Japan dahil puro sila— hapon, pfft HAHAHA’’ ani nya at humagalpak ng tawa, hindi sya magkaundagaga sa kakatawa sa sarili nyang joke.
‘‘Ano? ’di ko gets’’-Alli
‘‘ha ha ha?’’ Xy sarcastically laugh
Napa-irap na lamang ako, napaka-corny talaga ng mga joke nya iwan ko nalang talaga kung saan nya ’to napulot.
‘‘Gago tol may punto ka’’ ani ni Dave at napahagalpak rin sa tawa
‘‘Tumahimik ka nga isa ka pa, mga sira.’’ asik ni Xy sa kanila at umirap
‘‘Tol, ano bang pinapakain mo dito sa misis mo at laging galit?’’ kujwaring bulong ni Dave kay Gael kahit rinig na rinig naman namin ito.
‘‘Shh, hayaan mo na naglilihi kasi’’ bulong naman ni Gael pabalik sa kanya
YOU ARE READING
Art of Letting Go
Romance"Nobody had ever mastered the art of letting go." Breakups can be traumatic, leaving emotional scars that linger long after the relationship ends. Have you ever experience that your happiness is tied to someone else? What if letting go could be yo...