INTRODUCTION

3.5K 54 0
                                    


KINDLY TAKE TIME TO READ FOR AWARENESS. THANK YOU.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


*****************0o0**************

mabilis ang takbo nya. kailangan nyang makalayo at makapagtago.

hilam na ang mga mata nya sa luha. nanginginig na sya sa labis-labis na takot.

"after her! huwag nyong titigilan ang halimaw na yan!" sigaw ng isa sa mga naghahabol sa kanya. mas lalo syang nanghilakbot sa takot kaya mas binilisan din nya ang pagtakbo.

ngunit sadyang hindi nya kasama ang swerte. umuulan ng malakas noon kaya madulas ang hallways ng skwelahan. hindi nya nakontrol ang mga paa kaya dire-diretso syang sumemplang at tumama ang pigi nya sa sahig.

napaigik sya at mas lalong naiyak nang tumama ang katawan nya sa pader. gumapang sya at sinubukang tumayo pero sadyang madulas talaga ang kinasalampakan nya.

"hayun! nandun ang pangit! dali na!"

"dahan-dahan, guys! madulas!"

narating ng mga humahabol ang kinaroroonan nya. para syang takot na kuting na nasukol ng naglalakihang aso sa sulok.

"finally. pinahabol mo pa kaming halimaw ka! halika rito, malanding pangit!"

naghuhumiyaw sya ng hilahin nito ang kanyang buhok.

"aray! t-tama na! tama na! please..." pagmamakaawa nya na pilit kinukuha ang kamay nitong hinihila ang kanyang buhok. napatili sya sa sakit na parang matatanggal na ang kanyang anit.

"bibitawan? ulol mo! dapat lang sa 'yo 'to dahil malandi ka! ang kapal ng mukha mong sumakay sa kotse ni Rim! pangit! malandi!" the girl shrieked and slap her hard on the face. sa sobrang lakas ng sampal, bumaling ang mukha nya sa pader, dahilan para mauntog ang ulo nya doon.

hindi lang iyun ang kalupitang naranasan nya sa kanilang mga kamay. pinagsisipa, sinabunotan, dinuraan at kinalmot sya ng mga ito. namamaos na ang boses nya sa kakasigaw ng tulong ngunit walang dumating. nawawalan na sya ng pag-asa.

hindi nya alam kung bakit humantong sa ganito ang lahat. kung bakit ganito na lang sila kalupit sa kanya.

magmula pa nung unang taon nya sa high-school haggang ngayon, walang patid ang mga pang-aaping natatanggap nya dahil sa kanyang panlabas na hitsura. araw-araw, palala ng palala ang kanilang pananakit sa kanya.

hindi sya kagandahan, alam nya yun. hindi sya biniyayaan ng nakaka-akit na mukha at katawan, kahit ang pamilya nya'y ubod ng yaman. magaganda at gwapo ang mga kamag-anak nya, sya lang ang naiiba.

magmula nang magdalaga sya, hindi na nawalan ng tigyawat ang mukha nya. sa sobrang dami, inukopa na nito ang buo nyang mukha. may nana na ngang lumalabas mula sa mga ito. she's already 16 pero hindi pa rin ang mga ito nawawala.

at ang tungkol sa pagsakay nya sa kotse ni Rim Del Fuego-wala iyung malisya. wala syang gusto dito at alam nyang ganun din ito sa kanya. tinulongan lang naman sya nito, wala ng iba.

ngunit dapat pala ay 'di nya na tinanggap ang tulong nito, kung ganito lang pala ang dadanasin nya. hearthrob ito ng college department at galing sa napakayamang angkan. galit sa kanya ang mga tagahanga nito kaya sya kinuyog ng ganito.

namanhid na ang katawan nya sa mga asuntong natatanggap. isinalag nya ang mga braso at kamay para protektahan na lang ang kanyang ulo dahil bugbog na ang mura nyang katawan.

and the wet, sticky stuff on her head that smells like rust turns out to be blood. lumiliyo na ang kanyang pakiramdam at parang umiikot na ang paligid.

"you deserve that, you moronic ugly duckling! lumagay ka sa tamang lugar kung ayaw mong hiwain ko yang mukha mo na puro nana! kadiri ka, bwiset!" akma na naman nitong pagbuhatan sya ng kamay ngunit may pumigil dito. nanlaki ang mga mata at namutla ang mukha nito ng makilala kung sino ang pumigil dito.

"T-Tres...a-anong g-ginagawa mo d-dito?" ang kinakabahang tanong nito sa kaharap.

the person named Tres gave her an icy and indifferent stare. napalunok ang babae at umatras.

"such a coward, aren't we? bullying a weak opponent. why don't you go and pick someone your own size?" the peson named Tres hissed, holding the bully schoolmates pulse tighty,
bending it forcefully making the bully scream in pain. sinunod nitong pinagsasapak ang mga kasama ng bully na nagsipulasan na palayo. namimilipit naman sa sakit ang leader nila na salampak sa sahig.

"lumayas ka rito. kung talagang matapang ka, ako ang harapin mo. dali. sugod na." hamon nito sa bully leader. ngunit nangibabaw ang takot ng babae at kumaripas din ng takbo. nadapa pa ito dahil sa dulas ng daanan.

dinig nyang pumalatak ang tagapagligtas nya.

"hoy ikaw! bumangon ka nga. ang lampa mo naman at ang hina pa. ni hindi ka man lang lumaban, for wines sake. tumayo ka na at umalis dito. ue----teka lang..."

ramdam nyang humawak sa mukha nya. napamura ito ng makita ang kanyang kalagayan.

"carajo madre de dios. why did you let those bitches hurt you like that? nababaliw ka ba? pa'no kung napatay ka ng mga yun?" anito. ramdam nyang may pinahid ito sa kanyang noo, sa parteng may dugo.

"i got no choice but to take you to the infirmary. hijo de p*ta. makakatikim sa 'kin ang mga asong ulol na yun. halika na. kailangan kang matingnan ng doktor." sa sobrang bugbog nya, para na lang syang dahon na pinulot nito.

dinala sya sa ospital. pagkagising nya, wala na ito.

balang araw, pasasalamatan nya ito...
********************

Hi, I'm back.
wala lang. sinabi ko lang 😁

Salamat sa mga magbabasa nito. God bless you 😊

AURORA/DULCINEA(METROPOLIS HEIRS IV: ZAI DEL FUEGO) Where stories live. Discover now