"what you did back there is very uncalled for! hindi mo sya kailangang pagsalitaan ng ganun! pinahiya mo sya sa harap ng madla and there are people taking videos of what happened!" singhal ng kapatid ng makauwi sila nito galing sa library na yun. nagpupuyos pa rin sya sobrang galit.
"it ain't my fault. I acted the way a parent should act when her daughter is taken to that place and to that wretched woman! ginawa ko lang kung ano yung tama!" she snap back and roughly brush her hair away from her face.
"ginawa ang tama? alin dun sa mga ginawa mo kanina ang tama, Cerveza? that when you call Dulcinea a bitch?" tanong nito pabalik. tumalim ang tingin nya dito.
"don't you ever mention that name infront of me, Malteneigh. wag mo nang sirain pa ang araw ko. please lang." she hissed and slump back on the sofa. "and she deserves to be called a bitch in every possible way. 'coz that's who she is. no more, no less."
"i won't side with you this time. mali ang ginawa at alam kong alam mo yun. sa ginawa mo kanina, para mo lang tinapon ang iyong pinag-aralan at inapakan. pwede namang mag-usap ng maayos."
hindi na sya nagsalita pa. ayaw na nyang pag-usapan pa ang nangyari. mas lalo lang sasama ang araw nya.
"hindi ko kinekwestyon ang pagiging magulang mo, Zai. nandun na tayo na pinoprotektahan mo lang ang anak mo. walang aangal dun. pero hindi mo ba nakikitang masaya si Via doon? kapag umuuwi ang bata dito, puno ng galak ang mga mata nya at napakarami nyang kwento. kaya pumayag ako na magpunta sya dun dahil napapasaya nun ang paslit. may mga kalaro sya at 'di na nag-iisa." sabi nito. naupo ito sa katapat na sofa at mataman syang tiningnan. "dun sa piano recital, walang kagana-gana ang bata doon. nakaupo lang diumano ang anak mo sa sulok at hindi nakikipag-usap. sino ba naman kasing bata ang matutuwa sa ganun ka-boring na lugar? Olivia is in her tender years, for crying out loud. mas gusto ng ganung edad ang maglaro at magsaya. Zai, minsan lang sya bata. huwag mo namang ipagkait sa anak mo ang sumaya, dahil lang may galit ka sa isang tao. there's no use bringing up the past. mahihirapan lang kayo pareho."
Zai looked at her younger sister in disbelief.
"mierda, Malteneigh. kung makapagsalita ka, parang ako pa yung masama dito. na ako pa yung mali, na para bang hindi sinira ng babaeng yun ang buhay ko!" She said hurtfully, as painful memories resurfaced in her thoughts again. "that dratted woman killed my child, madre de dios! She drank a strong liquor, taking my child's life because she was fuck*ng irresponsible! and now, you're making it as if I was the villain here, hurting an effin' damsel! that wretched woman is not innocent, for fucks sake. stop demonizing me here, she deserves every word I said and I won't take it back."
malalim na napabuntong-hininga ang kapatid. sya naman, nanggalaiti pa rin dahil sa nangyari. it fuck*ng pissed her off.
dumaan ang mahabang katahimikan sa kanilang magkapatid. she heard her sister sigh and press the intercom button.
"Pranpiyang, dalhin mo dito sa sitting room ang dalawang expanded envelopes. yung brown at red. bilisan mo." utos nito sa kasambahay.
tumayo sya at akmang aalis na ng pigilan sya nito.
"maupo ka ulit, Ate Zai. may ipapabasa ako sa 'yong napakahalagang mga dokumento. let's wait for Pranpiyang to come here." anang kapatid. napapalatak na naupo sya ulit. kung hindi lang sila sobrang close ng kapatid, hindi nya ito pakikinggan.
maya-maya pa'y bumukas ang pinto at pumasok ang kasambahay na si Pran at ibinigay kay Malt ang dalawang folder.
"salamat. you can go." anito sa kasambahay. Malteneigh hand the documents to her. walang gana nya itong tinanggap at inilapag sa mesa.
"I hope that you won't be irrational this time. try to hold your anger down and read those documents. i'm not trying to convince you. i just want you to have a peaceful mind. it's for your own sake, Zai. believe me."
paliwanag nito. tiningnan nya lang ang dalawang envelope.
"nakuha ko ang mga yan mula sa MPPD-CIDG. yan ang resulta ng imbestigasyon sa nangyari nung gabi ng party ni Tita Pepper. pinapakita ko yan sa 'yo para maliwanagan ka. Zai, hindi lang ikaw ang nasaktan. ang nawalan. sya rin. kaya sana, basahin mo iyang mabuti." wika nito na tumayo at tinungo ang pintuan. "I know you're badly and deeply hurted with your unborn child's loss. nauunawaan ko iyun, and you knew that I have always been on your side. pero kasi Ate, masyado nang matagal ang limang taon. at sa loob ng mga taong iyun, andaming nangyari dito sa atin na hindi mo alam dahil pinili naming wag ipaalam sa 'yo---dahil alam naming nasaktan ka ng husto, na nawalan ka ng anak. you're trying to heal that's why you left the country, you left us. ni hindi ka nagpaalam na aalis. inintindi ka namin, we gave you all the time you need to heal. but this time... what you did back there, hindi iyun tama, Cerveza Nicholai. forgive me for talking back to you, pero kasi sumobra ka na. She was hurted too, her life for the past five years was pure hell. You both suffered, isn't that enough to just... to just let it go? what's the use of bringing up the past? it won't take anything back, walang magbabago. magkakasakitan lang kayo pareho."
Zai didn't replied. she knew what she did is indeed uncalled for, but she'll never admit it. She still hates her ex-girlfriend and she's not ready to forgive her just like that.
" i'll leave you here. tawagan mo lang ako kung may katanungan ka."
dinampot nya na lang ang isa sa mga envelope. binuksan nya ito at kinuha ang mga papeles sa loob.
it was a medical abstract used for medico legal.
"Department of Toxicology, official blood test result..." basa nya sa nakasaad sa dokumento. her eyes scan the verbal statement at nanlaki ang mga mata nya ng maunawaan ang nakasulat.
ipinaliwanag sa medical abstract ang kundisyon ng isang comatose patient in vegetative state. suicide at near asphyxia by drowning, kaya may mga ugat ito sa utak na namaga dahilan upang maratay ito sa ICU ng isang taon. hindi sya makapaniwa.
hinalungkat nya ang isa pang medical abstract at nakita doon ang sketch ng isang pasyente.
may hiwa ang leeg nito---at magkabilang pulso. may mga violet patches din ito sa balat. sa unang tingin, para itong biktima ng krimen.
binaba nya ang dokumento dahil 'di nya na ito magawang tingnan. the sketch is too detailed at kinulayan pa talaga. para syang masusuka.
sa isa pang envelope, mga police blotter at police reports lang ang nanduon. sa isang dokumento, dineklara doon na walang foul play sa nangyari. ruled ang lahat bilang suicide.
ang mga sumunod na larawan ang talagang gumimbal sa kanya.
isang bathtub na kulay pula ang tubig. at pamilyar sa kanya ang naturang paliguan. sa sumunod pang mga larawan.... mga kuha ito sa loob ng isang Intensive Care Unit.
nakaratay sa hospital bed ang isang pasyenteng iba't-ibang tubo at mga medical wires ang nakakabit sa katawa nito. may neckbrace itong suot at namumutla ang balat.
may nakasulat na footnote sa litrato. her hands trembled.
Dulcinea El Cano...
********************what Malteneigh said is right. constantly bringing up the past will hurt you over and over again, instead of you moving forward with life. both Zai and Dulcinea lost their child, both of them suffered. they have been through pain and sorrow and Zai continuing to hurt Dulcinea will not make things better. it will only make it worst.
Thank You for reading. God bless you 🙏🤗
YOU ARE READING
AURORA/DULCINEA(METROPOLIS HEIRS IV: ZAI DEL FUEGO)
Romancepinagmasdan nya ang rikit ng kanyang kahubdan sa harap ng salamin. ang alindog at hubog ng katawan na kinababaliwan ng kalalakihan at kinai-inggitan ng kababaihan. maganda at mala-dyosa. yan sya. ang babaeng niluludhan at sinasamba. ngunit nagdilim...