CHAPTER ONE: THE HOT MECHANIC

2.3K 53 3
                                    

🚗🚗🚗🚗🚗🚗
2018

*************"

"parating na mamaya ang may-ari nitong Xpander Cross. pati na rin yung Navarra at Hi-Lux. pakilinis na lang guys, baka malintikan pa tayo kay Boss Zai." anang isa sa mga mekaniko ng naturang malaking talyer sa mga kasamahan nya.

"ngayon ang uwi ni Boss, Tobby? ang aga yata." anang isa nyang kasama. kinuha ni Tobby ang mga tools nya saka nilinis.

"oo. alam nyo naman, 'di yun nagtatagal sa kanila. kaya marahil---oh, ayan na pala. sige na, kilos na kayo. dali!" nagkukumahog na tumalima ang mga empleyado at sya naman, sinalubong ang kadarating lang na amo.

humimpil sa kabilang garahe ng talyer ang isang Mclaren Sport F128. bumukas pataas ang pinto sa driver's seat at bumaba ang isang naka-pantalong binti, suot ang isang itim na high-cut sneakers. sumunod ang isang mahabang biyas at finally, umibis mula sa kotse ang isang matangkad na tao. may suot itong aviator shades at may sukbit na backpack.

"Boss! magandang araw po. welcome back! akin na po yang bag nyo." pagbati nya sa amo. 

tinanggal nito ang suot na shades kaya kita ang impresibo nitong mga mata. inabot nito ang bag sa kanya.

"kumusta dito? yung may-ari ng mga kotse, andito na ba?" tanong nito na agad nag-inspeksyon sa mga inaayos na sasakyan.

"ah, opo. handa na po lahat. hinihintay na lang namin silang dumating. kape Boss, ipagtitimpla ko po kayo?" alok nya rito. umiling ito.

"huwag na. ipasok mo na yang bag sa opisina ko. yung tool box ko at bimpo, pakidala na rin dito." utos nito. agad syang tumalima.

tinungo naman ng amo ang isang sasakyang nakatigil sa isang sulok. binuksan nya ang hood nito at nilagyan ng tungkod para 'di ito bumagsak sa kanya.

"eto na po, Boss. may ipapakuha pa po kayo?"

"wala na, salamat. go back to work." aniya dito. binuksan nya ang tool box saka kumuha ng nararapat na gamit. medyo matagal nya rin itong naiwan kaya tatrabahuin nya agad.

sinuri nya ang 3.5-liter na makina nito bago ito sinimulang ayusin. it's time to get her hands down and dirty with grease.

isinuksok nya ang bimpo sa backpocket ng kanyang jeans. wala na syang ibang inatupag kundi ang pag-ayos sa kotseng ito. sya mismo ang naglagay ng makina nito at mamaya'y ang body naman ang gagawin nya.

cars and everything that has engines are the things that makes her happy and gets her high. dito na nakatuon ang kanyang atensyon at nakakalimutan na nya ang ibang bagay.

the car she's fixing is a year 2000 limited edition Honda Civic, her very first car. goal nyang i-restore ito at i-overhaul. nasa magandang kundisyon pa ang makina kaya pinag-iigihan nya talagang mapatakbo ito ulit.

her centennial car has a 174 horsepower, with 4525 Torque; 1755 length, 1430 height and 5MT Transmission. kaya naman, 'di nya ito pinabayaan na lang. may mahalagang alaala sa kanya ang sasakyang ito.

tagaktak na ang kanyang pawis kaya kinuha nya ang bimpo para ipahid sa nagka-grasa nyang mga kamay. tinaas nya ng bahagya ang lalayan ng kanyang shirt- exposing her f*ckng hot six-pack abs. napanganga ang mga babaeng customers.

napakagat-labi pa ang ilan habang sinusundan ang butil ng pawis na dumadaan sa hulmado nitong mga pandesal. napailing at napasipol na lang ang empleyado sa hot nilang amo.

"hi ebrywon! here na ang pinaka-magandang kliyente ng Excellent Mechanics!" ang panghahambog pa ng isang maliit na babaeng nakasuot ng kinakapos sa telang damit. napatingin ang lahat dito habang naglalakad ito na parang rumarampa sa entablado. malandi itong kumembot papunta sa may-ari ng talyer na abala pa rin sa kotseng nire-repair.

"hi, Zai. good morning." bati nito sa mekanikong nakayuko lang sa makina ng kotse at 'di man lang pinansin ang babae. napabusangot naman ang huli at inirapan ang mga natatawang empleyado.

maya-maya'y ibinaba nito ang hood at nagpahid ng pawis. agad na umayos ng tayo ang babae at inipit ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga nito.

"uhm. hi again, Zai. good morning ulit." pagbati pa nito, batting her fake lashes. the mechanic just gave her a plain look.

"yeah. it's a good morning." the mechanic said boredly. "not until i saw you."

ang walang gana nitong tugon na tinapon sa basurahan ang bimpo nitong puno ng grasa. napalaw ang ngiti ng babae sa natanggap na reaksyon. kita nya pa ang nagsisikuhan habang natatawang mga empleyado.

"ano na namang ginagawa mo dito, Cleo? just to remind you---talyer ito. hindi mumurahing club." wika nito, one eyebrow raised looking at her choice of clothes.

"h-ha? a-ano kasi...yung kotse ko, may sira. paki-tingnan naman." aniya dito. wala pa ring pinagbago ang ekpresyon ng mukha nito. still poker-faced as usual.

"may sira ang kotse mo? cool. parang ikaw lang." anito na pumunta sa driver's seat at pinaandar ang kotse.

nagdadabog at nagmamaktol na umalis ang babae.

"o, sa'n ka na Miss Cleo? akala ko ba may sira ang kotse nyo? halika, buksan natin ang hood mo, este ng kotse!" kantayaw pa ng empleyado sa nagmumuryot na babae.

"syatap! kadiri, yuck!" inismiran sila nito sabay bukas sa pinto ng sasakyan nito at pinaharurot palayo. pati ang ibang kliyente doon, natawa na lang din.

napangiti naman si Zai. the smooth sound of the engine is like music to her ears.  sa wakas, tagumpay nyang na-restore ang kotse. pinatay nyang muli ang makina at umibis ng kotse.

ang gagawin naman nya ngayon ay i-modify ang exterior ng sasakyan para maibalik ang dati nitong hitsura.

"Boss, andito si Ryu Aragon." anang isa sa mga tauhan nyang si Amir.

"Aragon? may appointment ba ang taong yan?" tanong nya dito. hindi nya ito kilala personally. narinig nya lang ang pangalan nito sa racing community.

"wala po,eh. pero nasa garahe na sya at hinihintay kayo. haharapin nyo po ba?"

hindi sya agad nakasagot. hindi sya ang tipo ng tao na humaharap sa mga 'di nya kilala.

"pag-iisipan ko pa. teka, yung baliw na babae, nasa'n na?"

"naka-alis na po. tawang-tawa nga kami sa kanya,eh. parang tikoyng nalugi." anito sabay tawa.

"huwag nyo ng patulan yun. at huwag nyo na ring papasukin. may tililing ang isang yun. aksaya sya sa oras. nga pala, takpan mo itong kotse. babalikan ko yan mamaya."
********************

"Yo, Zai Del Fuego!"

napahinto sya sa paglalakad papunta sana sa opisina nya ng may bigla na lang sumulpot sa repair area ng talyer. malawak ang ngiti ng isang matangkad na lalaking may singkit na mga mata at maputi ang balat. nakasuot ito ng gray t-shirt at slim fit damaged jeans.

"magkakilala ba tayo?"

agad nyang tanong  dito. feeling close masyado ang taong ito.

"well, not quietly. pero sino bang hindi kilala ang isang speed demon tres?"

anito na mas lalo pang ngumisi. and she's disliking the guy every minute.

"and your point is?" she asked sarcastically, giving the guy a deadpan look.

"simple lang. i'm here to offer you a bounty price for a drag race tonight. P30M, winner takes all." wika nito na pinapaikot-ikot sa hintuturo nito ang isang susi.

"kung gusto mong makulong, walang pumipigil sa 'yo. makakaalis ka na." aniya dito at nagpatuloy na sana sa paglalakad nang magsalita ito ulit.

"Aston Vulcan. engine 6.9 liter V12. 6-speed sequential manual. 0-100kph in 2.8 secs." the guy named Ryu Aragon said cooly, as if baiting her. "tatanggi ka pa, Del Fuego? ano?"

oh. this one sure knows how to pique her interest, albeit being annoying.

alam na nya ang magiging sagot.
****************
Maraming Salamat in advance sa mga magbabasa. kindly leave a comment po sana. please po 🙏




AURORA/DULCINEA(METROPOLIS HEIRS IV: ZAI DEL FUEGO) Where stories live. Discover now