"listen to me, Cerveza. hindi na kailangang umabot sa ganito. madadamay ang lolo mo sa kahihiyan. pag-usapan natin 'to. let's settle this with an amicable settlement---"humagalpos na ang huling pisi ng kanyang pasensya at kwinelyohan nya ang taong minsan noon sa buhay nya'y kanyang tiningala at minahal bilang magulang. pero ngayon--isang animal na lang ang tingin nya rito.
"amicable settlement? naririnig mo ba ang sarili mo, ha?! wala ka na sa katinuan dahil sa pagiging kunsintidor mo! nagmana nga sa 'yo ang anak mong demonyo!"
bulyaw nya sabay tulak dito ng malakas. napasigaw si Mira at dinaluhan ang natumbang asawa.
"inubos nyo na ang kakarampot na respetong tinira ko para sa inyo. kung makapagsalita ka ng ganun, para kang walang anak na mga babae. napaka-hayop mo, walang kasing-halang ang iyong kaluluwa. matagal ko ng tanggap na wala na akong lugar sa pamilya nyo. pero nunca na iaatras namin ang kaso. your son will rot in jail. at sinisiguro kong 'di nyo mababayaran ang batas. layas!"
***************hilam sa luhang kumapit sa binti nya ang babaeng nagluwal sa kanya. ang babaeng tinawag ang sariling kanyang ina.
"please, anak. makinig ka muna. ang kapatid mo---"
"tama na. umalis na kayo dito. baka hindi na 'ko makapagpigil at ano pa ang magawa ko sa inyo. alis. get the f*ck out of here. magkaroon naman kayo ng kaunting kahihiyan. leave- or else, i will drag you out."
winaksi nya ito at umalis. she slam the door close behind her. nasa opisina sila ng hepe ng MPPD kung saan naka-detain ang ulupong.
pinakawalan nya ang luhang kanina nya pa pinipigilan. naupo sya sa bench sa labas ng opisina.
wala na nga talaga ang pamilyang ninanais nya. pagkatapos nito, ay sya ring pagtatapos ng kanilang ugnayan. they're ruined. they can never be fixed.
"magpahinga ka na muna. bukas na ang arraignment ng kaso. kahapon ka pa walang maayos na tulog, Zai. sige na, makinig ka sa 'kin." payo pa ni Atty. Aragon sa kanya. mahina syang tumango at tumayo. nagsisimula na rin syang makadama ng pagod.
dumating ang manager ni Dulcinea galing ng Europe. kamuntik ng maubos ang buhok ni Primo ng sabunotan ito ng nanggagalaiting beki na manager. dati na palang may galit ito sa animal na Primo.
"you'll rot in jail, you d*ck! wala akong pakialam kahit nakahiga pa sa pera ang iyong pamilya! mabubulok ka dyan at dyan ka na rin mamamatay! hayop! rapist!" the gay manager shrieked kaya pinakalma at pinigilan ito ng mga pulis.
the media is there,too. at dahil may gag order, wala syang mga binitawang pahayag. she kept mum about the incident.
she and Dulcinea became official, finally. hindi na rin muna ito bumalik sa Amerika hangga't wala pang final verdict ang kaso.
tulog pa ito kaya nagkaroon sya ng oras na magluto. madaling araw pa lang ay namalengke na sya para sa lulutoin nya- bulalo at tapang barako. tyak na mabubusog ang girlfriend nya.
hininaan nya ang apoy ng bulalo dahil luto naman na ito. inakyat nya ang hagdan papunta sa kwarto nito.
mahimbing pa rin itong natutulog kaya tinabihan nya ito.
*************"hey, hon. bangon na. i'll bring your breakfast here, okay?"
tumango lang ito at nagtalukbong ulit ng kumot. she smiled and got up from the bed. bumaba sya at bumalik ng kusina para ihanda ang mga pagkain nito.
nakasandal na ito sa kama at ngumiti ng makita sya. nilagay nya ang tray sa harap nito.
"that's bulalo and tapang barako. may saging at pakwan din, pati na ang gatas. eat well, okay? para lumakas ka." aniya na ginawaran ito ng halik sa sintido nito.
YOU ARE READING
AURORA/DULCINEA(METROPOLIS HEIRS IV: ZAI DEL FUEGO)
Romancepinagmasdan nya ang rikit ng kanyang kahubdan sa harap ng salamin. ang alindog at hubog ng katawan na kinababaliwan ng kalalakihan at kinai-inggitan ng kababaihan. maganda at mala-dyosa. yan sya. ang babaeng niluludhan at sinasamba. ngunit nagdilim...