CHAPTER NINE: ANG MODELO AT ANG MEKANIKO PART I- GULO SA INTERSECTION

1K 33 0
                                    


the video of what she did went viral minutes after she left the venue of her suppose to be interview. she became the receiving end of angry backlash online from fuming netizens who accused her of body-shaming, giving her the monicker:barbie bitch.

Donita went on full beast mode after finding out what she had just done. tinalakan sya ng bakla over the phone, so she got no choice but to ignore his calls for the meantime. she have a very busy and hectic schedule and listening to her manager's rants are not one of them. isa pa, wala syang planong humingi ng tawad sa bully na yun na nagpa hirap sa kanya noon. nunca.

nasa loob sya ng kanyang chic na walk-in closet na nag-uumapaw sa dami ng kanyang mga mamahaling gamit. kakatapos lang nyang maligo.

tinanggal nya ang buhol ng suot nyang roba at hinayaan itong bumagsak sa sahig.
********************

pinagmasdan nya ang rikit ng kanyang kahubdan sa harap ng salamin. ang alindog at hubog ng katawan na kinababaliwan ng kalalakihan at kinai-inggitan ng kababaihan.

Maganda. Mala-diosa.

yan sya. ang babaeng halos luhuran na at sinasamba.

ngunit nagdilim ang kanyang paningin sa pagsingit ng isang hindi kaaya-aya at masalimuot na alaala.

PANGIT. MAHINA. LAMPA.

her eyes saw red. her trembling hands balled into a fist as painful memories assaulted her mind once again.

dinampot nya ang bote ng isang mamahaling pabango at walang kaabog-abog na ibinato ito sa salamin. the instant that the expensive perfume bottle hit the surface of her mirror, it shattered into pieces and scattered on the marble floors. nanginginig pa rin sya sa labis na poot at galit, ni hindi nya magawang manghinayang sa napaka-mahal na pabango na kanyang ibinato.

patay na ang babaeng yun.

at hindi na babalik pa.

Aurora...

that weak, meek, clumsy and unwanted girl--- is dead. ang dalagitang laughingstock at tampulan ng panunukso, wala na.

sya na ngayon si Dulcinea---ang isa sa mga pinaka-magandang mukha sa balat ng lupa. mapera, maimpluwensya. matapang, independent. hindi madaling sindakin. at ang imaheng meron sya ngayon ang mananatiling nakadikit sa kanya habang-buhay.

Aurora Zangronis was a long-forgotten memory. the past. she is now Dulcinea El Cano, the present and the future. and nothing could ever take it away from her.

iniwan nya ang basag na salamin at mga nagkalat na bubog nito. may binabayaran syang maglinis kaya 'di na sya nag-abala pa.

she got herself ready dahil may pictorial pa sya for ANTMP. inasikaso na sya ng glam team at hinanda ang wardrobe nya.

"keep the reporters at bay. i don't want them near me during the shoot." ang mahigpit nyang bilin sa mga ito. gumayak na sila paalis ng tinitirhan nya.

there are drones near her place. great. pathetic pappz.
*******************

bilib din sya lakas ng apog ng mga ito. gagawin talaga lahat ng mga bwitre makakuha lang ng balita. binalewala nya lang ang mga ito.

she made herself comfortable in the car. she turn her IG comment box off dahil wala namang kwenta ang pinagsasabi ng mga taong yun.

huminto ang kotse sa red light, kaya napatingin sya sa gawi ng kalsada kung saan may nagtitindang mga ambulant vendors. isang paninda ang nakakuha ng atensyon nya.

hindi nya makakalimutan ang naturang pagkain. kung masalimuot man ang nakaraan nya, may iilan namang magandang alaala ang nangyari.

"Candice, can you get me some of those? kahit apat lang." aniya sa PA. tumalima ito sa utos nya at bumaba ng kotse.

AURORA/DULCINEA(METROPOLIS HEIRS IV: ZAI DEL FUEGO) Where stories live. Discover now