CHAPTER FIVE: A BIRTHDAY FOR ZAI

1K 46 0
                                    

inabot na nya ang latch ng gate at isasara na sana nang pigilan ito ng kapatid.

"leave, Tequila. ilang beses ba kitang dapat itaboy para maunawaan mong ayaw kitang makita?"

naiyak ang kapatid nya sa kanyang mga binitawang salita. pero pilit pa rin itong ngumiti.

"Tres naman---"

"Zai. tigilan mo na ang pagtawag sa 'kin sa palayaw na yan. pwede ba, umalis ka na? ba't ka ba punta ng punta dito?"

ayaw nya itong saktan. hangga't maaari, ayaw nya sana. dahil kahit pa'no ay may respeto sya dito. pero ang presensya nito ang paulit-ulit na nagpapa-alala sa kanya ang kawalan nya ng lugar sa kanilang pamilya.

"please naman, Tre---i mean Zai. si Abuelo kasi, gusto ka nyang makita. matitiis mo ba sya? matanda na ang lolo natin. wag mo naman sana syang idamay sa galit mo kina Dada at Kuya---"

"yang Abuelong tinutukoy mo---hindi man lang ako maalala sa loob ng pitong taon kahit nasa iisang syudad lang kami! hindi mo lang alam ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing pinagmamalaki nila si Primo at ako---'di nila maalala!"

her sister is rendered speechless after she lashed out on her. wala itong maapuhap na salitang sasabihin sa kanya. nanginginig sya sa galit, hulas ang mukha nya sa luha at mahigpit ang hawak nya sa pantaong pinto ng gate.

she inhaled and exhaled roughly bago ito muling tiningnan. humihikbi ito at sinusubukan syang abutin pero agad syang umiwas.

"hindi mo kailanman maiintindihan ang lalim ng sugat na iniwan nila sa puso ko. dahil mahal ka nila. dahil hindi ka abnormal kagaya ko. sa bawat paggising ko, parang laging paurong ang lahat at hindi ako maka-abante. habang namamayagpag ang paborito.... sumasadlak ang itinakwil. pagod na 'kong mamalimos sa kakarampot na atensyon, Tequila. umuwi ka-at--- pakisabi kay  Chairman na malapit na. malapit ko ng tanggalin ang apelido nya sa pangalan ko. patay na sila para sa 'kin; gaya ng pagturing din nila sa 'kin ng ganun sa loob ng pitong taon."

she didn't waited for her sister's reply. she slammed the gate close. dun pa sya humagulgol ng husto at dinama na naman ang walang hanggan na yatang sakit.....
*********************

muling tinakip ni Malt ang kurtina sa bintana. nanghihina syang naupo sa gilid ng kama.

her heart bleeds for her older siblings. hinayaan nyang malayang dumaloy ang luha matapos makita ang paghaharap ng dalawa.

nasasaktan sya para sa Ate Tequila nya. naiipit ito sa galit ni Cerveza sa panganay sa kanilang magkakapatid na si Primo. at sa sobrang hinanakit nito sa kanilang isa pang magulang---si Spencer. alam nya ang kakaiba ngunit hindi naman rare na kundisyon ng kapatid. dangan lang talaga at 'di ito agad natanggap ng kanilang Dada.

ngunit may isang malaking sikreto na hindi alam si Zai. ang sikreto na pinakatago-tago din ni Primo dahil sa oras na mabunyag, tyak na masisira ang pagkatao nito.

hindi rin nya maintindihan ang magulang kung bakit nila ito itinago. humantong tuloy ito sa hatred ng isa sa mga anak nila.

sana'y maiayos ang lahat, bago pa dumating ang araw na tuloyang masira ang kanilang pamilya.

kinuha nya ang smartphone at may tinap na numero. birthday ngayon ng kapatid nya. dapat, masaya ito.
********************

"ano?! emergency dyan sa shop? umayos ka, Tobias! wag kang mang-prank ng ganyan!" aniya habang nagmamadaling pumanaog ng hagdanan. tumawag kasi ito na may nangyari diumano sa talyer.

[oo nga, meron. kaya halika dito at tingnan mo, Boss.]

"sigurohin mo lang kundi sisipain ko yang pugad mo!" naabutan nya sa garahe ang kapatid na si Malt.

"maiwan ka muna dito. babalik din naman ako agad. ingat---"

"sasama ako! baka ma-bore ako dito. can i tag along?" pakiusap nito, with that toothy smile. pumayag na lang sya.

"okay, get in the car. alis na tayo."

habang papalapit sila sa shop, pansin nya ang mamahaling paper bag na kanlong nito.

"anong laman nyan?"

"wala. pagkain lang at chichirya." sagot nito. hinayaan nya lang ito at nag-focus sa kalsada.

the moment they arrive at the shop, nagsalubong ang mga kilay nya ng magpatayan lahat ng ilaw. hinanda nya na ang sarili at ang natutunan nyang MMA skills. yari ang sa kanya'y kakanti.

unti-unti syang lumapit sa repair area at pinihit ang pinto ng----

"SURPRISE!!!"


party poppers exploded at may mga torotot pang maingay na pinapatunog. nagkalat ang mga makukulay na confetti sa paligid.

"HAPPY BIRTHDAY, BOSS ZAI!!"

sabay-sabay pang sigaw ng mga tauhan nya sa shop: sina Tobias, Amir, Duroy at Leta. may suot pang mga party hats ang apat.

hindi nya mapigilang maluha na naman. never syang nagpakita ng kahinaan gaya ng pag-iyak sa harap ng mga ito-ngunit iba na ngayon.

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY... HAPPY BIRTHDAY TO YOU!"

pagkanta pa nila. lumapit si Tobias dala ang isang personalized na parihabang chocolate cake.

"hipan nyo na, Boss. Happy Birthday po ulit!" pagbati nito. pinahid nya ang mga luha at hinipan ang mga kandila. nagpalakpakan ang lahat pagkatapos.

"pasensya na kung pinrank ka namin. gusto kasi naming sorpresahin kayo. bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihan po ninyo sa aming lahat."

"salamat. sobrang salamat talaga sa inyo." wika nya na hindi napigilan ang kaunting pagpiyok ng kanyang boses, sa kagustohang hindi ipahalata na naiiyak sya. "i highly appreciate what you did, guys. solve na ang birthday ko."

"ano namang wish nyo, Boss? pwede bang malaman?" tanong pa ni Amir.

she smiled. then she close her eyes and blew the candle light afterwards. She look at her employees and sister warmly.

"simple lang and not only intended for me. kundi para din sa inyong apat. para sa shop. yun lang." aniya. muli silang nagpalakpakan.

"nag-ambag din kami ng panghanda, Boss. pasensya na kung tipikal na kainan lang ito." sabi pa ni Duroy. tinapik nya ito sa balikat.

"kahit puro pulotan pa yan, ayos lang. ang mahalaga, masaya tayo. ano, kainan na?"

masaya nilang pinagsaluhan ang simpleng handa----nang may 'di inaasahang mga bisita na dumating.

"Happy Birthday, apo!"

it was her grandparents sa side ng kanyang ina. her Grandada Lorcan and Mamala Minerva. kasama pa nito ang mga aunties, uncles at pinsan nya.

isang mahigpit na yakap ang natanggap nya sa mga ito. nagdala pa sila ng dalawang food truck pandagdag sa handa nila.

at para mas riot at masaya, dumating din sina Ryu Aragon at mga kaibigan nito na nagdala ng kahon-kahong alak.

she had fun that night, that she forgot the pain for a while. walang pagsidlan ang galak sa kanyang puso...

Hindi man sya magawang mahalin at tanggapin ng kanyang mga magulang, she has these people who truly love and cherish her the most. that alone is the best birthday gift she could ever have.
******************

Happy Birthday, Zai at sa lahat nang may birthday ngayon 🎂🎉🎊💐🎈🍰😊🍫🤗🤗😊😊😊

Thank you for reading po 😚☺️

AURORA/DULCINEA(METROPOLIS HEIRS IV: ZAI DEL FUEGO) Where stories live. Discover now