CHAPTER TEN: ANG MODELO AT ANG ANG MEKANIKO PART II: KILABOT NG TALYER

1K 37 6
                                    


"hindi mo dapat pinagbabantaan ang driver ng ganun. wala kang karapatang gawin yun." anya dito nang makalabas sila ng presinto.

"excuse me?" the woman snapped at her. inikutan lang nya ito ng mata.

"nasa pilipinas ka kaya sumunod ka sa batas namin. huwag kang umasta na para kang reyna na dapat pagsilbihan. 'di ka na naawa dun sa tao." napailing na lang sya at akmang bubuksan ang pinto ng kanyang kotse nang magsalita ito.

"if you pity him so much, why didn't you pay for his fine instead? you act like you care pero wala ka namang ginagawa." pang-aasar pang tugon dito, looking at her mockingly.

hinarap nya ito at matiim na tinitigan.

"totoo nga marahil ang kasabihan. kung anong ikinaganda ng labas, ganun naman kasama ang loob. para kang matandang barko; kaaya-aya ang labas pero kinakalawang sa loob. at hindi ako ang dapat magbayad sa sala 'di ko naman ginawa. yang pagka-tao mo, nakaka-suka. ang lakas mong mang-apak sa karapatan ng iba. 'di ka na nahiya." tinalikuran nya ito at sumakay sa kanyang kotse.

hindi na sya nag-abalang tingnan pa ito. hindi nya talaga masikmura ang ganung klaseng tao.

alam nya ang pakiramdam ng maging walang-wala. magsumikap syang mabuhay at magtayo ng negosyo para mabuhay din ang iba.

pero ang 'di nya maintindihan ay yung bigla syang nakadama ng nostalgia nang makita nya ang babaeng yun. there's this strange unfamiliar feeling na parang nagkita na sila nito dati.

nagkibit-balikat na lang sya at saglit na pinilig ang ulo. pa'no naman magiging pamilyar ang ganung babae sa kanya.

pagkarating nya ng talyer, abala na ang mga tauhan nya. marami ang mga customer na nagpapa-ayos ng kanilang mga sasakyan.

napatigil sya  nang kumirot ang kanyang noo. dun nya kinapa ito at nadamang may bukol pala doon. 'di kasi agad lumabas ang airbags ng kotse nya kaya nauntog sya sa unahang bintana ng sasakyan.

"o, anyare boss? bakit nakahawak kayo sa noo nyo?" tanong ni Tobias sa kanya.

"nauntog. may matapobreng dayuhan kasing nag-inarte kanina. wala namang silbi ang airbags. haist." aniya at pumasok sa kanyang opisina.
"asikasuhin mo muna ang mga customers. lalagyan ko lang ng yelo 'to."

binuksan nya ang fridge at kinuha ang isang ice-pack doon. naupo sya sa couch at idinampi ang malamig na pouch sa kanyang noo.

"napa'no ka?" napatingin sya sa pumasok. ang kapatid nyang si Malt.

"ikaw pala. nabukol lang 'to. pulpol yung airbags." aniya. "nakabihis ka yata. may lakad ka ngayon?"

tumango ito, ngunit halata nyang tila mailap ang mga mata ito. parang may iniiwasang sabihin sa kanya.

"may sasabihin ka ba, Malteneigh? kilala ko ang tinginan mong yan. spill."

bumuntong-hininga ito at naupo katapat nya.

"pumunta si Mommy dito kanina. wedding anniversary nila ni Dada bukas. gusto nyang...pumunta tayo sa Manor." sagot nito. binitawan nya ang ice-pack.

"so pupunta ka?"

hindi ito kaagad nakasagot. tumayo sya at inilagay ang ice-pack sa mesa.

"hindi kita pinipigilang pumunta. pero wag mong asahan na dadalo ako. hindi mangyayari yun."

"Zai---"

"iwan mo muna ako. gagamutin ko pa ang aking noo."
******************
tumalikod sya dito. dinig nya ang pagbukas muli ng kanyang pinto at pagsara nito.

she look at the closed door and sat at her chair again, looking unintently at the wall.

so nagpunta ang kanyang ina dito---kung kailan wala sya. inimbita nito ang kapatid nya at parang sinabit lang sya.

AURORA/DULCINEA(METROPOLIS HEIRS IV: ZAI DEL FUEGO) Where stories live. Discover now