CHAPTER TWENTY-SIX: OLIVIA CASSANO DEL FUEGO

842 29 4
                                    

hindi nya alam kung nananadya ba ang tadhana o sya lang talaga itong nag-iisip ng kung ano.

normal lang naman na magkaroon ng ganitong kakanin kahit sa Italia. sa lahat naman yata ng kontinente at bansa sa mundo, may mga pilipino. kaya ang makakain ng turon sa Grandoise Hotel Venice ay 'di na nakapagtataka---dahil pinoy ang isa sa mga executive chefs dito.

tinitigan nya ng matagal ang masarap sanang pagkain. ngunit imbes na tamis, alat ang nalasahan nya.

pinahid nya ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi. napabuntong-hininga sya at tagus-tagosan ang tingin sa pader. hindi nya maiwasang mapagtanto ang mga bagay'ng lumipas na.

hindi sya ang tipong tinatakbuhan ang kahit anong problema. lagi nya itong hinaharap, ga'no man kahirap.

ngunit ng gabing iyun, hindi na sya nakapag-isip ng tama. ni wala syang eksaktong naramdaman. kung galit ba sya, masama ang loob o ano pa. walang ibang naghahari sa sistema kundi ang dalawang emosyon---

kahungkagan.
kawalan.

sa pagkalaglag ng anak---ang puso nya, sobrang nawasak.

ang dami nyang plano para sa hindi pa isinisilang na panganay. kung ano ang ipapangalan nya dito, kung lalaki ba ito o babae. kung kanino kaya ito magmamana o saang ospital ito ipapanganak.

muling dumaloy ang kanyang mga luha. lumipas man ang limang taon, ang hapdi ng sugat sa puso nya nariyan pa rin at nakabaon. anak nya ang nawala---dugo nya at laman. bunga ng pagmamahalan kaya dapat ingatan.

not until the woman, her unborn child's mother---decided to be a bitch and let her little one die. nang makita nya ang mga photos sa social media, parang gusto nyang pumatay. buhay pa sana ang anak nya kung ang babaeng yun ay hindi naging sakim na ina.

death due to highly volatile intoxication. sa madaling sabi, patay sa matinding pagkalason ang kawawang sanggol. hindi kinaya ng munting buhay ang tapang ng nilaklak ng sarili nitong ina.

tiningnan nya ang mga palad. nanlalabo man ang mga mata sa luha, parang nakikita nya pa ang supot na pinaglagyan sa kumpol ng patay na dugo.

ang bangkay ng kanyang panganay...
*******************

napaluhod sya at humagulgol ng malakas. tanging ang panaghoy nya ang maririnig sa malamig at tahimik na morge. dinala nya sa tapat ng dibdib ang supot at niyakap. nakasalampak sya sa maruming sahig, na halos sumabog na ang puso nya sa sobrang hinagpis.

her heart went out to her dead child. nakaranas man sya ng kalupitan, nakita pa rin naman nya ang mukha ng mundo. nabuhay sya kahit nag-iisa. ngunit ang anak---hindi nito naranasang mabuo man lang. na maging ganap na tao. namatay ang anak na 'di nito nalaman kung ga'no nya ito kamahal.

pinalibing nya ang sanggol sa probinsya ng San Martin, kung saan hindi ito matutunton ng salawahan nitong ina. walang karapatan ang babaeng iyun na magluksa. mas masahol pa ito sa isang malalang kriminal.

napatigil sya sa paghikbi at agad pinahid ang luhaang mga mata nang gumalaw ang anak at umiyak. sumuot sya sa kumot at niyakap ito. she hummed a lullaby hanggang sa makatulog itong muli.

hinagkan nya ang noo ng paslit.

"I won't let anybody hurt you. that's a promise."
*****************

"Te Amo, Papi..." her little one murmured, eyes still closed. yumakap at nagsumiksik ito sa kanya.

poprotektahan nya ang anak kahit na anong mangyari at kung maaari, ilalayo nya ito sa kalupitan ng mundo.

the milky way upon the heavens
is twinkling just for you
and Mr. Moon
he came by
to say goodnight
to you

AURORA/DULCINEA(METROPOLIS HEIRS IV: ZAI DEL FUEGO) Where stories live. Discover now