*Mr. Parkins' Office*
"Umupo kayong apat."
"Sir wala akong kinalaman dito" nakamangot na sabi ni Xed pero di sya pinansin ni sir
"What happened earlier? Why are you smashing each others face?" Tanung nya
"Sinabi ng hindi naman ako kasali dito eh" bulong ni Xed pero narinig ata ni Mr. Parkins
"Yes? Are you saying something Mr. San Juan?" Mapanghamon nyang tanong kay Xed
"Ah wala po"
Napunta na ulit ang attention nya kay Zeke at Justin "I believe both of you have some explanation to do, bat di kayo nagsasalita?"
Wala pading nagsalita kahit isa sa kanila, si Justin nakatungo lang, si Zeke nakatingin sa table, sa table hindi kay sir ah. Ako eto tahimik na nakikinig kay Mr. Parkins, si Xed naman nakanta-kanta ng mahina.
"Mr. Alehandre, hindi matutuwa ang mga magulang mo pag nalaman nila to. Mr. Zerinllo, alam mong ayaw ng mother mo na binibigyan ka ng special treatment diba? Ang sabi nya, pagsabihan ka pag may mali kang ginagawa. Hindi pedeng makikipag-away ka nlang basta dito sa loob ng campus dahil lang sa pagmamay-ari nyo itong university." malumanay na sabi ni sir
Hindi parin sumagot yung dalwa, infairness parang may respeto sila kay sir ha. Sabagay balita ko dito na sila mga nagtapos ng elementary at highschool kaya kilalang kilala na nila si mr.Parkins. Nabigla lang ako nung narinig kong hindi nila binibigyan ng special treatment si Zeke, totoo ba yun?
"Oo miss totoo yun." Sabi ni sir, nakita siguro nya ang pagtataka ko
"Ayaw ni Madam na nasasangkot si Zeke sa mga gulo" dagdag pa nya
"Pano ayaw nyang matsismis ang pamilya nila. Gusto lahat perpekto." Sabat ni Xed
"Xedric!" Saway ni Mr. Parkins "Alam nyo namang dalwa na hindi ko kayo para sermonan diba? Hindi ko rin naman kayo pedeng bigyan ng detention, wag nyo nalang uulitin to. Mula mga bata magkakaibigan na kayo, di ko pa kayo nakikitang mag-away? Babae ba ang dahilan?" Walang kamalay-malay na tanong ni sir, bigla namang humagalpak na tawa si Xed. Tinignan naman sya ng masama ni Justin, si Zeke walang reaksyon.
"Sya sige na, okay na makakaalis na kayo. Wag nyo nalang uulitin ha. Pag magaaway kayo wag na dito sa campus para di nadadamay pangalan ng university natin." Biro pa nya, mabait naman pala to si Mr. Parkins, nakakatakot lang pag tinignan mo. Siguro dahil na nga din sa sya ang school chancellor.
Lumabas na kami ng office at agad namang nagyakag si Xed sa bar. Hindi lang yung dalwa ang niyakag nya ah, pati ako. So friends na din kami ngayon?
"Pass muna ko, sasamahan ko pa si Lou magshopping eh." Justin
"Zeke si Lou daw oh, sama ka na." Sabay naman syang sinamaan ng tingin ni Justin at Zeke pagkasabing-pagkasabi nya non.
"Ah di ako pede eh, may work pa ako." Nakangiti kong sabi "bye" kay Xed ko lang yan sinabi, di ko na pinag-aksayahan ng panahon yung dalwa. Nakakaasar din naman kahit papano si Justin, kasi naman nakipag-away pa sya kay Zeke e ipinaliwanag ko na naman sa kanya yung tungkol samin dati pa.
Habang naglalakad ako ay naalala ko naman si Megan bigla, san na nga pala yun napunta pagtapos nya ko dalin dun sa parking lot? Di na nagtext, napapansin kong medyo lumalayo sya sakin netong mga nakataang araw. Wala naman ako matandaang nagawa kong masama.
At bigla ko din naalala na hinihingi nya pala no. ni Justin kaya isinend ko na sa kanya bago pa ako pumasok sa work.
~Zeke's POV~
"Anu naman kasing pumasok dyan sa utak mo at nakipagbakbakan ka kay Justin?" Nasa sasakyan kami ni Xed, sya ang nagdadrive habang nagpapalit ako ng damit dito sa kotse nya. Ang dumi na ksi ng damit ko, puti pa naman.
BINABASA MO ANG
Casanova's Cinderella
Romance"Hanggang sa hindi na lamang laro ang lahat." - Zeke Zerinllo