Chapter 20

1.8K 41 0
                                    

~Sam's POV~

Agad-agad akong lumabas doon pagkatapos nyang magsalita, hindi ko alam kung saan ako dadaan. Hindi ko na kasi makita ang nilalakaran ko dahil sobra na ang pag-agos ng luha ko, blurred na ang paningin ko.

Ganun ba talga yon? Pag-mahirap ka at nagmahal ka ng mayaman gold digger na agad ang tingin sayo. Ni minsan nga di ko naisip yung mga sinabi nya, ang sakit isipin ng mga sinabi nya dahil wala naman talaga akong intensyon na ganon.

Nagkakilala kami ni Zeke sa hindi sinasadyang pagkakataon at lugar, hindi maganda ang simula namin kaya pano naman mangyayari na pinlano ko yon? Iniwasan ko sya sa mga panunuyo nya at di nagtagal nahulog na rin ang puso ko sa kanya, hindi sadyang nasasaktan ako pag may kasama syang iba. Hindi rin sadyang nagtatatalon ang puso ko pag-kasama sya, wala akong sinadya sa mga nangyari.

Nag-mamahal lang ako, kahit pa hindi ko yun lubos na naipararamdam sa kanya. Alam ko na isa lang ang gusto kong ibigay nya sakin bilang kapalit at yun ay ang puso nya, never kong hinangad ang kayamanan na meron ang mga Zerinllo.

"Babes?" nagpahid muna ako ng luha bago humarap sa taong may-ari ng boses na yon "Babes are you crying?"

"What? No. Why would I be crying?" nagmamaang-maangan na sagot ko

"Then what do you call this liquid that's flowing from your eyes?" bahagya nyang hinawakan ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko "May ginawa ba sayo ang mom ko?"

Napalunok ako ng marahan bago tumingin ng diretso sa mga mata nya, magsinungaling ka Sam. Hindi mo pedeng sirain ang samahan nila ng mama nya. Hinawakan ko ang kamay nya na nakahawak sa pisngi ko "Ano ka ba? Syempre hindi noh. Tinanong nya lang sakin kung ano daw bang relasyon talaga natin, ang bait-bait nga nya eh. Pinainom pa nya ko ng kape, ang sarap-sarap pala ng kape nyo dito lasang caramel hehehe. Wag ka ng mag-isip ng kung ano-ano, ang bait kaya ng mama mo" yumakap ako sa kanya, yung kamay ko nasa may batok na nya ngayon at yung kanya naman nasa bewang ko "Ang bait-bait ng mama mo" sabi ko habang napatak muli ang luha ko

"Pede mo na ba ako ihatid?" tanong ko sa kanya habang magkayakap parin kami, pilit kong pinapatigil ang pagpatak netong luha ko pero ayaw parin tumigil

"Hindi pa nga natin napapacheck yang sugat mo eh" ang higpit ng yakap nya, I feel safe and secure whenever andyan sya. Ito pa bang feeling na to ang ipagpapalit ko sa kayamanan lang? Hindi. Hindi kaylanman.

Bumitaw ako sa pagyakap sa kanya at pilit na umalis sa bisig nya kahit na mahirap "Nung nakain ko kasi yung masarap na pagkain sa baba natanggal yung sakit ng GASGAS ko kaya no need na i-check pa to. Tara na ihatid mo nalang ako." hinila ko sya at naglakad na

"Ganun ba? Pero bat dyan tayo sa side na yan pupunta kung ihahatid na kita, papunta yan sa kwarto ko eh." Napatigil naman ako sa sinabi nya, bakit kasi ako nagmamarunong eh. Binitawan ko nga tapos lumihis na ako ng daan.

"Oy babes tara na. Okay lang naman na dun tayo sa kwarto ko, walang gagambala satin don  hahahaha"

"Tse!" tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Kunwari nakikipag-biruan parin ako sa kanya pero hanggang ngayon eh yung sinabi parin ng mama nya sakin ang naaalala ko.

Kinulit nya lang ako ng kinulit hanggang maihatid nya ko. Agad akong bumaba sa kotse nya ng makatigil sya sa tapat ng bahay namin. Di pa ako nakakapasok ng naramdaman ko ang hawak nya sa kamay ko "Hindi manlang ba magpapaalam ang babes ko sakin? Wala manlang ba akong goodnight kiss?" humarap ako sa kanya at nakita ko namang nakanguso sya habang nakapikit "araaay!" pinitik ko yung labi nya

"Ang kulit-kulit mo..."

"Good night kiss kasi..."

"Oo na, pikit ka." pumikit naman nga sya agad pagkasabi ko then kiniss ko naman sya ng mabilis sa pisngi nya "Bye." aalis na ako ng hawakan nya ulit ang kamay ko "Ano pa?"

Casanova's CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon