Chapter 24

1.7K 40 0
                                    


~Sam's POV~

Spell HELL WEEK- lots of projects and activities, magdamagang review for exams, parang laging pasko sa dami ng customers sa shop, always overtime sa trabaho, subsob sa assignments and quizes, mahaba ang pila ng tutorials and three days ng di nakikita o nakakausap ang mahal mo. That's how you spell it.

"Tama ba to Sam?" pinakita nya sakin yung math problem na binigay ko sa kanya. Pang-apat na sya sa natutoran ko ngayong araw. After ng last subject ko dumiretso na agad ako sa tutorials, sya na ang last ngayong araw since isang oras na lang punta naman ako sa work. Kanina pang 6:30 ang huling kain ko, may pagka hilo na rin akong nararamdaman pero kaya ko pa to. Hanggang bukas pa ng 3a.m ang trabaho ko masisingit ko naman siguro ang sandaling pagkain doon.

"Oo tama itong number 1 and 2 pero mali yata ang nagamit mong formula sa 3 - 10. Eto dapat gamitin mo dyan." I showed him the formula "Ah Ben bibigyan din kita ng pede mong gawin sa bahay then check ko na lang sa susunod nating session. Saka pina-photocopy ko na rin yung mga notes ko noon sa subject na yan, reviewhin mon din para makatulong." inabot ko na din yung notes na sinasabi ko

After 45 minutes natapos din kami at naglalakad na ko ngayon papapunta sa coffee shop. Nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ng panatalon at tinignan kung sino ang nagtext.

[FROM: BABY Z <3

Dahan-dahan naman ang lakad ng mahal ko, baka madapa ka nyan. Z]

Tama, napaltan na ang pangalan nya sa cellphone ko kasi iba na rin ang phone na ginagamit ko. Last time nasa car nya kami hiniram nya yung cellphone ko may titignan lang daw sya kaya ibinigay ko naman. Mabilis ang pagpapatakbo nya ng kotse at sa isang iglap ay bigla na lamang nyang inihagis ang cellphone ko sa labas ng bintana habang nasa express way kami. Di pa ako nakareact nung una, kitang-kita ko ang pagtapon nya non.

Tinanong ko kung bat nya ginawa yun, maganda pa daw kasi ang remote nya sa condo kaysa sa cellphone ko. Hindi ko sya pinansin ng maihatid nya ko at hanggang kinabukasan. After ng klase ko kinabukasan, maglalagay na sana ako ng gamit sa locker ko pero may kulay puting box na napapalibutan ng pink na ribbon ang nakalagay sa locker ko. May note din na nakasulat sa pink na sticky note.

[Love,

Sorry po sa pagtapon ko ng phone mo. Regalo ko po ito sayo, sana tanggapin at magustuhan mo. Pansinin mo na sana ako pleae. Sorry talaga. I love you Jill ko. Z ]

Syempre ibinalik ko pa yun sa kanya nung una, mahal yon iphone kaya. Pero dahil regalo daw nya yun at wala din akong gagamitin pangcommunicate sa kanya, tinanggap ko na rin.

Kaya eto ako ngayon, patingin-tingin sa gilid hanggang sa makita ko ang kotse nya sa di-kalayuan. Tumigil ako sa paglalakad, inilapit nya sakin yung kotse nya pero di pa rin sya bumababa "San punta mo mahal?" tanong ko sa kanya, natural lang ang pagkaka-ngiti ko sa kanya pero deep inside sobrang saya ko dahil nakita ko na rin sya after ilang araw.

"Hinahanap po kita. Sabi nung tinuruan mo kakaalis mo lang daw kaya nagmadali ako dahil alam ko namang papunta ka na sa work mo." binuksan nya ang pinto sa passenger side "Sakay na baby ko." open na kami sa feelings namin sa isa't-isa dahil matagal na din naman kami, mahal ang tawag ko sa kanya at babes, baby at mahal naman ang tawag nya sakin.

"Malapit na din naman eh." sumakay din naman ako , isang kanto nalang kasi then yung shop na

"Nakakain kana ba?" ooops, ayoko magsinungaling sa kanya pero ayoko din naman

"Oo busog pa nga ako ngayon-" sabay tumunog naman ang tyan ko, sinyales na wala pa daw syang laman

"Binubuko ka ng tyan mo mahal." pinitik nya ko sa noo "Don't ever lie to me." the hinimas-himas naman nya yung pinitik nya, ang sweet nya lang talaga "Tapos na nga pala ko dun sa paggagawa ko ng mga plates, wala ka na ulit kahati sa oras ko mahal."

Casanova's CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon