Chapter 27

1.8K 47 0
                                    

~Sam's POV~

Makalipas ang 30 minutes nakarating din kami sa place ng date namin. Abot kilay ang ngiti ko bago ako bumaba ng kotse pero agad iyong nawala ng makalabas ako "Park?" anung gagawin namin dito sa park?

Hindi naman sa nage-expect ako ng bonggang date sa isang luxury restaurant o isang romantic na date sa gilid ng burol with the city view o di kaya naman ay exciting na date tulad ng sa amusement park. Di naman ganun ang inaasahan ko pero seriously? Sa park? Anong gagawin namin dito. Maglalambitin sa monkey bar? Makikipila sa mga batang para mag-slide? o baka naman makikipag-agawan sa mga bata sa swing?

"Magde-date tayo diba?"

Tumango sya "Yes po mahal"

"Sure ka ba sa place na napuntahan natin?"

Tumango muli sya "Opo mahal ko"

"Dito sa park?"

Hinaawakan nya ko sa magkabilang shoulder at sa pangatlong beses ay tumango ulit "Opo mahal, date po it. Hindi po ako nagkakamali ng lugar, dito po talaga tayo magde-date sa park."

"Kuya Zeke..." sabay kaming napatingin sa tumawag, nakita namin ang nasa sampung bata na natakbo papunta dito sa pwesto namin.

Yumuko si Zeke para yakapin ang mga bata, hindi makasingit yung iba sa pagyakap sa kanya dahil ang dami nila. May isa pa ngang batang babae ang umiyak dahil hindi sya nakayakap kay Zeke.

Lumapit ako sa kanya "Hello" bati ko sa kanya pero hindi sya sumagot, tuloy lang sya sa pag-iyak "Wag kana umiyak."

Hinawakan ko sya sa balikat pero tinabig nya ang kamay ko "Wag mo akong hawakan, ang panget mo." ay ang taray ng bata "Kuya Zeke..." this time na caught nya ang attention ni Zeke

"Oh Chichi bakit ka naiyak dyan?" bagkus na sabihin ang totoo ay tumingin ito sakin bago sabihing

"Sya po kasi" tinuro nya ko "inaaway nya ako kuya Zeke."

Zeke confusely look at me "wala po ako ginawa ah" depensa ko

Ngumiti sya kay Chichi bago ito tuluyang kinarga "Wag ka na iyak, kakain na tayo." bumaling sya sa ibang bata "Tara na mga makukulit." the sakin naman sya bumaling at inilahad ang kaliwa nyang kamay "Tara na mahal ko"

Humawak ako sa kamay nya habang yung kanang kamay nya ang sumusuporta sa pagdala nya kay Chichi "Bakit dito?" tanong ko, alam kong alam nya ang ibig kong sabihin

"Kasi gusto ko makilala mo sila" tumingin sya sa mga bata "at tsaka gusto ko may mga nagagawa tayong magkasama na nakakatulong sa iba."

"---"

"Maganda naman yung ganto babe diba?" I nod, hindi na kami nag-usap hanggang makarating doon sa ilalim ng puno na may nakaset-up na parang picnic.

Una-unahang nagsiupo ang mga bata "Wag kayong magunahan. Malaki pa dito oh" tinuro nya yung inuupuan namin "Dito na yung iba. Ken, Jed, Prince, Shane dito na kayo. Hayaan nyong dyan sina Warren para di siksikan." agad na sumunod sa kanya yung mga bata

"Babe dito ka muna ha, kukunin ko lang yung mga pagkain sa kotse." bulong nya sakin "Mga bata kukunin ko lang pagkain natin ha, wag kayong mag-aaway dito mabilis lang ako."

"Opooo..." sabay-sabay nilang sabi

Naiwan ako dito with the four kids na tinawag ni Zeke kanina at saka si Chichi

"Girlfriend ka po ba ni kuya Zeke?" tanong ni Shane

"Ahh... oo"

"Sabi sayo sya ang girlfriend ni kuya eh" - "Sabi mo kaya di ka sigurado-arayy! Bakit mo ko binatukan Shane?" sabi nung isang batang lalaki

Casanova's CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon