~Sam's POV~
Joke ba yun? Di nga? Dadalhin talaga nya ko sa magulang nya? So meeting the parents na ang peg?"Oy tulala ka dyan. Wag mo na akong isipin dahil andito lang naman ako sa tabi mo" usal ng unggoy na katabi ko pero no pakels ako. Dedma lang.
Sa totoo lang bakit kaya hindi nya maging kamuka ang lahat ng unggoy sa buong mundo para masaya diba. Para hindi na sya pinagkakaguluhan at hinahabol.
"Malapit na tayo." Bakas sa boses nya ang excitement at saya kaya hindi ko naman napigilang ngumiti
Bahagya akong tumingin sa bintana at nagulat ako. Hindi ito ang inaasahan kong itsura ng pagdadalhan sakin ni Zeke. Hindi ito pangmayamang subdivision, halos katulad lang ng mga bahay sa lugar namin ang mga bahay dito.
Pero syempre hindi na ako nagdalita kasi baka maoffend si Zeke pagnagtanong ako kung bakit ganito ang lugar na tinitirhan nya eh.
"Andito na tayo." Wika nya, napansin ko namang nasa tapat kami ng isang up and down na bahay. Maliit ito ngunit muka namang naaalagaang mabuti, merong gate na color green at may mga mumunting halaman sa gilid.
"Baba ka na bilis"
"Ah oo teka lang" kinuha ko ang cellphone ko at itinext si Harry na baka di ako makapasok sa work ngayon
Nagulat naman ako ng biglang buksan ni Zeke ang pinto ng kotse nya sa side ko "sino yang tinetext mo?" Nakamangot nyang tanong
"Boyfriend ko"
"Asa! Bugbugin ko yan." Preskong sagot nya
"Subukan mo lang ng mabasted ka sakin."
"E sino nga kasi yan babes?"
"Si Harry, katrabaho ko sinabi ko lang na baka di ako makapasok ako sa work since dinala mo ko dito sa bahay nyo." Paliwanag ko
"Good, kala ko you're seeing someone behind my back eh" ang cute nya, nagpout pa oh.
Bigla kong kinurot ang pisngi nya "araaayy"
"Ang cute mo" tuloy lang ako sa pagpisil sa pisngi nya pero bigla nya hinawakan ang magkabila kong kamay at isinandal ako sa kotse nya
"Babes hindi ako kyut kasi pangbaby yon, hindi din ako pogi kasi pang-aso yun, gwapo ako okay? Gwapo at hot hahaha"
"Hot? Sang part?" I teased him
"Gusto mong pakita ko sayo kung sang part?" Mahalay na biro nya
"Oy Zeke Zerinllo, nanliligaw ka palang ganyan ka na magsalita. Loko ka talaga!" Itinulak ko sya sa dibdib, grabe ang tigas ng chest.
"Yun nga eh, nanliligaw palang ako nyan. Pano pa pag-girlfriend na kita. Hahahahah aray!" Bigla ko kasi inapakan yung paa nya kaya napaaray nako sya
"Edi hindi na kita sasagutin!" Weh?
"Uy joke lang babes. Kaw naman di ka na mabiro. Tara na nga." Sabay kaladkad este hila pala nya sakin papasok ng gate
"Ilan kayong nakatira dito?" Usisa ko
"Hindi ako nakatira dito. Ang sagot dun sa tanong mo ay tatlo tatlo silang nakatira dito."
"E san ka nakatira? Doon sa condo?" Tanong ko ulit
"Hindi din" this time nakapasok na kami sa bakuran at naglalakad papunta sa front door
"E san ka nakatira? Sa babae mo?" Bigla naman syang napatigil sa tanong ko at humarap sakin
"Pede ba Jill wag ka nga magisip ng kung ano-ano. Wala akong babae okay. Ay meron pala at ikaw yon. Ikaw lang kaya kung gusto mo akong tumira sa babae ko eh siguraduhin mong ready ka dahil sanyo ko titira at sayo ko tatabi at sigurado-"
BINABASA MO ANG
Casanova's Cinderella
عاطفية"Hanggang sa hindi na lamang laro ang lahat." - Zeke Zerinllo