~Sam's POV~
"Anak andito na si Zeke. Bilisan mo dyan." Rinig kong sigaw ni mama galing sa sala. Parang ang aga naman yata nya. Saglit akong tumingin sa orasan at nakita kong 7:30 pa lang.Kakatapos ko palang maligo kaya nagsaplot muna ako ng pangbahay at tsaka pumunta ng sala "Ang aga mo naman"
"Ganun talaga. Pagpumasok ako ng 9 siguradong madami ng tao sa school at pagkakaguluhan lang ako dun haahaha."
"Ganun kang kasikat?" Sarkastiko kong tanong. Alam ko namang sikat sya pero hindi naman siguro ganon. Parang yung F4 lang ang peg?
"Tama. Ganun ako kasikat."
"Ewan ko sayu. Bakit nga kasi?"
"Dahil nga dun. At tsaka dahil miss na kita." Sabay kindat ni loko. Nagsuntukan nanaman tuloy yung intestines ko. Epekto talaga ng lalaking to.
"Ah. Tutal ang aga mo at hindi pa ako ready. Maghintay ka dyan ng matagal" tinalikuran ko sya at bumalik na sa kwarto para magayos. Hindi naman ako nagmamake-up kaya mabilis lang ako pero syempre nagaayos din naman ako kahit papano.
"Nako Zeke kumain ka na don sa lamesa. Hayaan mo yang si Samuel kung ayaw nya pang lumabas sa kwarto nya. Sayang naman iyong dala mong almusal."
"Ma narinig ko yon!" Sigaw ko mula dito sa kwarto. Talagang boto yan si mama kay Zeke, mas inaalagaan pa nga nya yun e. Special ang loko.
"Bilisan mo kasi dyan anak. May dalang almusal si Zeke, mauuna na sya sayo at antagal mo."
"Hindi po mama. Hintayin ko na po si Jill, gusto ko kasi syang kasabay sa pagkain." Maamo pa sa tupang sabi nya. Mama na talaga tawag nya sa mama ko, kapal diba.
***
"Dito nalang. Itigil mo nalang dyan sa tabi ang kotse mo.""What? Malayo pa to sa school. What are you going to do here?"
"Maglalakad papuntang school. Ayoko ngang makita nilang magkasama tayo pagpasok. Pagchichismisan nanaman ako don."
"Don't mind them. They're just jealous because you're my gurlfriend and you're so beautiful."
"O talaga?" Lumingon-lingon ako kung san-san "Asan ang girlfriend mo?" Kapal naman talaga ng mga tao ngayon. Di ko pa nga sya sinasagot eh.
"Andun sa school. Si baby, si honey, si wifey, si sweety at si lovey. Di ko na tanda yung iba eh."
Humarap ako sa kanya at sinuntok sya sa braso "loko ka andami mong girlfriend. So ang lagay eh niloloko mo ko."
"Syempre hindi. Ikaw lang naman ang seryoso ako na girlfriwnd eh."
"So hindi ka nagbibiro? Girlfriend mo nga ang mga yon?" He nod bilang sagot. Akala ko kalokohan nya lang yon, totoo pala.
"Akala ko ba siryoso ka sakin?" Maluha-luha na ko. Ang sabi nya ako lang.
"Talaga naman na siryoso ako eh. Pampalipas ko lang ang mga yon." Parang wala lang ah. Akala yata nya papayag akong niloloko nya.
"Pwes itigil mo na ang panliligaw mo dahil hinding-hindi na kita sasagutin! ITABI MO ANG KOTSE!" Nagulat ata sa sigaw ko kaya talagang naitigil ang kotse. Bumaba ako agad at naglakad ng mabilis.
"Babes teka." Naabutan nya ko at hawak na nya ang kamay ko "hihiwalayan ko na ang mga yon para sayo. Di ko silang lahat kaylangan kung ikaw naman ang mawawala."
"Promise?"
"Promise." Tapos niyakap nya ko, niyakap ko naman sya pabalik. Alam ko naman kasing serious sya sa panliligaw nya sakin pero ayoko ng maykapareho ako ng title sa buhay nya. Kung ako ang girlfriend dapat ako lang.
BINABASA MO ANG
Casanova's Cinderella
Romance"Hanggang sa hindi na lamang laro ang lahat." - Zeke Zerinllo