Chapter 17

1.7K 45 0
                                    

~Megan's POV~
From: Bessy Sam
Okay lang talaga best. Di nalang talaga ako nakapagpaalam nung umuwe ako dahil na rin sa pagod. Basta manlibre ka bukas pagnagkita tayo ah.

xoxo

To: Bessy Sam
Oo na. Bukas ko nalang din bibigay money na kinita mo. Harhar. See yah.

Kakauwe ko lang galing sa event. Pagod pero worth it naman. Yah. Panalo yung mga designs ng customer ko at panalo din ako sa pagmomodel.

Nakatext ko na rin si Sam, hindi naman daw sya galit dahil sa pinaggagawa naming kalandian ni Siko. Sabi ko kasi sa kanya tinry lang naman naming pagselosin si Justin, ayun naniwala naman ang bestfriend ko. Alangan naman kasing sabihin ko ang totoo edi nawalan ako ng super duper love na kaibigan. Ayoko nga no.

So ayun nga, after nung paghila ni Siko kay best e nagkagulo na ang audience kung ano ba ang nangyayari. Syempre ako alam kong nagseselos yun si Siko kaya ganon eh sila puro hula lang. Para mawala sa kanila yung attention e inannounce na kaagad yung winner.

At alam nyo ba na sa mga panAhong yun e nakatingin lang ako kay Justin and guess what, hindi sya nagselos, ni hindi nya ako tinignan after non.

After the announcing of winners is party party na. Parang bar ganon pero walang mga heavy drinks mostly wine lang. May mga nagsasayawan sa gitna at sobrang lakas ng music.

I'm dancing like a stripper in the middle of dance floor when someone accidentally spilled his drink on me.

FLASHBACK

"What the hell!" Bulyaw ko ng maramdaman ko nalang ang malagkit na likido sa bandang dibdib ko. Sh*t ang lagkit.

"Ow sorry beautiful" rinig kong sabi ng nasa harapan ko, tinignan ko sya ng masama para kasing wala lang sa kanya itong ginawa nya eh.

"Your sorry won't solve anything" matigas na pahayag ko

"Look babayaran ko nalang, okay?"

"As if naman afford mong bayaran itong damit ko. Wag nalang, baka mamulubi ka lang." Talaga naman kasing mahal to. Not to brag about it pero gawa pa to ng napakagaling na designer sa Paris kaya wala tong katulad.

"Ganun ba? Parang sa salita mo palang talagang mahal na yan ah" nakakalokong sabi nya. Mukang hindi sya na-offend kahit may pahaging ako dun sa statement ko kanina.

"Of course. Nag-iisa lang to kaya milyong dolyar pagbinili to. I know naman na mayaman ka since sa ZA ka din nag-aaral like me pero... Pero satingin ko talaga hindi ka ganung kayaman para mabayaran ako for this dress." Pag-mamayabang ko parin habang itinuturo ang dress ko

"Ganun ba? Magkanu ba yan?" Preskong sagot nya, papatulan ko talaga to. Baka malalag ang mga ngipin nya pag nalaman nya ang price netong damit ko.

" 1.6 million dollar" ngiting tagumpay na sabi ko. Hinihintay ko lang na mawala ang grin sa mukha nya para pagtawanan ko sya pero hindi nagbago ang ekspresyon nya.

'Hello? Dapat by now sinasabi mo na sakin na nagsisinungaling ako o kaya magmamakaawa ka na patawarin nalang kita dahil hindi mo kakayaning bayaran ang ganung kalaking halaga.' yan sana ang dasabihin ko sa kanya pero hindi ko na nasabi dahil bigla syang humagalpak ng tawa

"Hoy! Okay ka lang?"

"Hahahahahhahaa. Oo oo okay lang ako. Ikaw kasi miss, nakakatawa ka." Tuloy parin sya sa pagtawa

"Kunwari ka pang natawa pero sa loob-loob mo naman iniisip mo kung pano kang magkakaroon ng ganung kalaking pera. Nakakaawa ka naman." Pagsira ko sa trip nya

Casanova's CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon