Chapter 14

1.5K 52 2
                                    

~Zeke's POV~

"Babalik na tayo dun. Baka makita pa tayo ni Lou- I mean baka may makita pa sating magkasama tapos matsismis ka nanaman." Nauna syang lumabas ng kotse at sumunod naman ako pero imbis na hintayin sya ay dumiretso na ko.

Alam kong nahihirapan sya sa sitwasyon namin ngayon, ganun din naman ako. Gusto ko si Jill pero mahal ko si Louise, lalo pa pagkatapos naming mag-usap nung nakaraang araw.

+FLASHBACK+

"Tsaka na tayo mag-usap." Huling salita ko kay Jill bago kami mag-usap ni Louise.

"Ano bang sasabihin mo?" Naiinis na tanong ko pagkasakay na pagkasakay namin sa kotse nya.

"Inom tayo." sagot nya

"Ano?! Pakiulit mo nga parang di ko yata narinig ng maayos." Niyayakag ba nya ko mag-inom ng gantong kaaga?

"Punta tayo IceNest Zeke, inom tayo." So tama nga ang rinig ko

"May aaminin ka saking importante ang pagkakasabi mo kanina tapos ngayon sasabihin mong mag-inom tayo. Tinat*nga mo ba ko ha Louise?!" Galit na sabi ko, nakita ko namang tumulo ang luha nya. Naiyak sya, dahil ba sa pagsigaw ko?

"Wag kang umiyak dyan. Ano? Ang lagay e ako pa ang masama dito kaya ka naiyak." Tuloy lang ako sa pagsikmat sa kanya.

"M...may sasa..bi...hin talaga...ako...Zee...Zeke...Kaylangan ko...ko lang ng pam...pang...pangpalakas ng loob..." Paliwanag nya habang patuloy padin sa pagiyak, sumosobra na nga yata ako. Hindi ko naman sya dapat sinisigawan at sinisikmat eh.

"Ako na magda-drive." Kinuha ko ang susi sa kanya at lumabas ng kotse para lumipat sa driver seat, sya naman ang umupo sa kaninang pwesto ko.

Nagdrive ako papunta Condo. Dun nalang kami maguusap pra tahimik.

(A/N: nakatira si Zeke sa mansyon nila pero may condo sya, yung dati nyang pinagdalhan kay Sam. Dun sya napunta pag gusto nya ng katahimikan, alam din ng mga kaibigan nya ang lugar na yon.)

Nakarating kami sa condo ng hindi nag-uusap. Patuloy lang sya pag-iyak habang hindi ko sya pinapansin dahil busy ako sa pagdadrive.

"Andito na tayo." Bahagya syang nagtaas ng tingin para makita kung nasan kami, tuloy parin sya sa pag-iyak.

"Taas na tayo." Yakag ko. Nakalabas na ko ng kotse pero hindi parin sya nagbubukas ng pinto. Kinatok ko sya pero wala paring response.

Sa inip ko, ako nalang ang nagbukas ng pinto nya at hinigit sya palabas. Muntik na syang madapa buti nalang at mabilis ang reflexes ko kaya nahigit ko sya patayo.

Nauna nako pero wala akong narinig na yabag sa likuran ko kaya't minabuti kong lumingon. Andun sya at nakatayo pa rin sa pinagiwanan ko sa kanya "tatayo ka nalang ba dyan?" Sigaw ko.

Naglakad sya ng kaunti pero tumigil din, napansin kong hindi parin sya natigip sa pagiyak. Hindi yata sya napapagod. Lumapit ako at dinala nalang sya, bridal style.

Sumakay kami sa elevator, tinignan ko sya pagdating namin sa tapat ng condo ko. Papababain ko sana sya para buksan ang pinto pero tulog na sya. Tulad pa rin sya ng dati, ambilis-bilis nyang makatulog lalo na pagkatapos nyang umiyak. Napangiti naman ako, ganun din ako, tulad ng dati. Mahal ko pa rin sya.

Pinilit kong buksan ang pinto kahit medyo nahirapan ako dahil nga karga ko parin si Lou. Inihiga ko sya sa kama at kinumutan pagpasok namin. Habang pinagmamasdan ko syang natutulog ay napansin kong parang namayat sya at pumutla. Andun din ang maiitim na eyebags na dati naman ay wala, pero kahit ano man ang pagbabago nya ay napaka ganda parin nya.

Casanova's CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon