~Sam's POV~
...And you'll never understand
The reasons whyHeart of mine
How will you keep from dying
Stop reminiscing
Who is he kis-"Wala naman hinalikan ah!" Pagputol ng kaibigan kong loka sa pagmo-moment ko
"Alam mo best, epal ka rin talaga e noh?"
"Alam mo best, t@nga ka rin talaga e noh?" Nakairap na ulit nya
"Aww naman." Ako Habang nakahawak sa dibdib
"Aww aww ka dyan, di ka aso noh. Di bagay promise. Arte mo." Kanina pa neto sinisira trip ko e. Pano kanina pa ko nagpapatugtog ng sad songs.
Kasi nga diba, yung nangyari sa parking lot last week tapos hangang ngayon di parin nya ko kinakausap. Akala ko ba papasagutin nya ko sa Sep. 1, e ni hindi nya nga ako kinakausap dalwang linggo na. Isang linggo nalang b-day na nya.
Umamin na nga rin pala ako kay Megs pagkatapos kong umamin sa sarili ko. Inamin kong mahal ko na si SICK. Pero kakatapos ko lang tanggapin yung katotohanan na yon tapos nasasaktan na agad ako.
"Bakit kasi ganun best? Ang unfair naman ng love. Kung kaylan tanggap ko na tsaka naman sya nadulas sa kamay ko. Ganto ba talaga yun ha Megan?" Sabay mangot ko, yung mangot na parang naihian ng pusa ang muka ganon.
"Baka nga kasi meron sya kaya ganon."
"Kasi naman bessie e, pano mangyayari yun e lalaki sya"
"Ay lalaki ba yun? E bakit parang babae kung makaiwas sayo. Haynako basta. Pero ang maganda mong gawen e itigil mo yang pakikinig ng mga ganyang genre ng kanta dito sa stereo ko kasi baka masira ko yan tapos ikaw ang pagbabayarin ko. Gets?" Andito kami ngayon kotse nya. Papunta sa Kleves Coliseum(not a true coliseum), pinaka malaking coliseum sa buong bansa and again pag-aari nanaman yon ng aklan ng Zerinllo.
Sila na ang mayaman, sa isip-isip ko. "Ito naman, sasama na nga ako sayo tapos magbabayad pa ko. Anong klase kang kaibigan? Abonado pa ko pagnagkataon ha."
"Kaya nga tumigil ka na para di ka maging abonado diba?" Bato nya
"Abusado ka naman. Nagsesenti ang tao eh. Just drive and Relax baka mawala ang beauty na pangrampa mamaya sa stage." Makapagbatuhan kami ng salita e noh, akala mo talagang nagaaway. Pero wala yun biruan na namin yun.
"Yun na nga e, kaya nga ilipat mo yang kanta. Kunin mo yung iphone ko at iconnect mo dyan tapos patugtugin mo yung rather be. Pangpataas ng energy bilis." Sinunod ko nalang sya, kanina pa naman ako nagpapatugtog e kaya sya naman MUNA.
So yun nga papunta kami sa Kleves Coliseum. Fashion Week kasi ngaun ng school, meaning yung mga graduating fashion designing students ay mag-gagawa ng mga clothes para maging entry nila. Tapos ang magmomodel nun ay mga napiling Tourism Students.
Give and take lang. Bakit? Kasi kung sino ang manalo na FD students ay instant may career sa Paris after graduation. Para naman sa Tourism Students, ofcourse POPULARITY. Lahat kasi halos ng studyante ng Z'A napunta dito always, although ung iba di nakakapasok pag sobrang dami na ng tao.
Pang-sosyalan lang tong event na to. Kung di dahil kay Megan hindi ako para pumunta dito. Sya kasi ang magmomodel para sa entries nung isang studyante. Eto ngang baliw ko na kaibigan e nagpabayad pa, gusto kasi talaga nung tao e si Megs ang magmodel kaya napa-OO nalang din.
Pagkadating namin sa venue, sa likod kami nagdaan para di crowded. Dun din naman kasi magbibihis ang mga models. Anung nga bang papel ko dito? Ah, dakilang taga-sabi kung maganda ba at bagay sa kanya yung outfit.
BINABASA MO ANG
Casanova's Cinderella
Romantizm"Hanggang sa hindi na lamang laro ang lahat." - Zeke Zerinllo