Chapter 6

2.1K 51 0
                                    

~Sam's POV~

*TING TING TING*
(Tunog yan ng bell ng school)
Meaning, tapos na ang last subject and finally uwian na para sa iba pero para sakin nangangalahati palang ang araw dahil trabaho naman ang aatupagin ko.

Ang laging routine ng araw ko: School, work at yung mga sidelines ko. Nung lang namang First Week ng July na gulo schedule ko eh. Dahil na nga din sa pagpunta ko sa party ni Justin at yung pagtanggay sakin ni Zeke Zerinllo.

Aaminin ko, netong mga nakaraang araw ay naglalaan talaga ako ng time para makasama si Justin or makausap manlang sa phone. Una palang naman talaga eh nagustuhan ko na sya diba so I think walang masama kung mapunta na kami sa stage of Getting-To-Know-Each-Other ika nga nila. Mabait talaga sya at masarap kasama, at talaga namang sobra akong kiligin pag andyan sya.

On the other hand, hindi din naman talaga ako nilulubayan neto ni Zeke Zerinllo. Lagi akong inaabangan sa labas ng school, the other day nga sa lAbas pa talaga ako ng classroom inabangan. Pero di ko talaga sya pinapansin mula nung incident sa bar. Well he explained to me, saying that he got annoyed dun sa mga girl na ayaw syang lubayan at pasensya na daw kung naging rudw sya sakin that time. Syempre di ko tinanggap yung sorry nya.

I did everything para tigilan na nya ko, isang besea sa likod ako ng school dumaan para matakasan sya pero nakita parin ako ng loko. Pinahabol ko na nga din yan sa aso ng kapitbahay namin e dahil sinundan ba naman ako hanggang sa bahay. Ewan ko ba sa kanya, bigla nalang naging persistent pagkatapos maging rude nung nasa bar kami. Anlakas ng mood-swing. Ngayon eto sya oh, nakasunod sakin habang papunta ako sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko.

Tumigil ako sa paglalakad at tinignan sya ng masama "Ano ba?! Bakit ka ba sunod ng sunod sakin?!".

Tumigil din sya sa paglalakad pero di sya tumingin sa direkayon ko, patingin-tingin lang sya sa paligid habang nakalagay ang dalwang kamay nya in his two separate pockets while whistling.

"Pede ba ha. Sumagot ka pag kinakausap ka" patay malisya padin sya at patuloy sa ginagawa nya.

"Hoy! Mr. Zeke Zerinllo!" Ngaun tumingin na sya sakin, so kaylangan pa talaga sigawan?

"Why are you walking?" Biglang tanong nya

"Cause I have legs?" Sarkastiko kong sagot na patanong ang tono. "And I thought I already told you not to speak in English when you're around me, nakakairita kasi wala ka naman sa ibang bansa!"

"Okay let me rephrase it, why.......bakit......hindi ka sumakay ng taxi kung may pupuntahan ka?"

"Kasi nga diba mahirap lang ako at isa pa hindi ko na kaylangan mag-taxi kasi malapit lang naman yung pupuntahan ko." Pagpapaliwanag ko sa kanya ng maayos

He just shrugged at di nadin naman nagsalita kaya tinuloy ko na ang paglalakad ko habang sya ay ramdam kong nakabuntot parin sakin.

Nang makarating na kami sa mismong harap ng pinagtatrabahuhan ko ay tsaka ko sya ulit nilingon "Hanggang dito mo nalang ako pedeng sundan. May trabaho pa ako, pakiusap wag ka dito."

Dinaanan nya lang ako at tsaka tumigil ng nasa gilid ko na sya, inilapit nya ang bibig nya sa tenga ko "I'm a customer, you can't just shoo me." He said that then dumiretso sa may pinto at tumigil sabay harap sakin with his winning smirk "Akala ko ba may trabaho ka pa, di ka ba malelate pag nakatulala ka lang dyan?" Dun ko lang narealise na napatunganga nga ako after nung ginawa nya. Iba talaga epekto ng taong to.

Kuhang-kuha ang kiliti ng mga babae.

----------------------------------------
"Waiter" tawag ni Zeke habang nakataas ang kamay, akala yata nya nasa restaurant sya pero syempre dahil customer sya ay agad namang lumapit si Dennis. Hindi ko marinig ang pinaguusapan nila, nakikita ko lang na tango ng tango si Dennis sa kung ano mang sinasabi ni Zeke.

Casanova's CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon