Chapter 26

1.8K 40 0
                                    


~Sam's POV~

IT'S been a week since we came back from Palawan. Napaaga nga ang uwe namin, five days lang kami nagstay dun kahit supposedly one week yung bakasyon namin. Ano nga ba ang nangyari dun at maaga kami napauwe? Well, nagkarun kasi kami ng problema ni Zeke at meron ding problema si Justin, and Meg including Xed? Yes. Hindi ko alam kung matatawag mo yung amin ni Zeke na MU, ang alam ko lang walang saysay ang hindi namin pagkakaintindihan dahil talaga lang hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

F L A S H B A C K

Panay ang panunukso nila samin ni Zeke dahil sa nakita nila nung nakahiga kami sa sofa. Ikinalat pa sa social media, take note bestfriend ko ang nagpasimula. Loka talaga kahit kailan.

Agad din kaming umalis pagkakain namin ng umagang yung, first stop church. May naabutan pa nga kaming nagmimisa pagdating doon. Taimtim kaming nagdasal, akalain mong sa loloko ng mga kasama kong to marunong din palang mga magdasal lol. Madami pa kaming pinuntahan after non, may binisita pa nga kaming kababata daw nina Zeke na kasalukuyang naka-confine noon sa hospital. Dinalhan namin sya ng flowers at prutas, flowers kahit na lalaki sya.

Nagreminisce pa sila ng mga kalokohan nila nung mga bata pa sila, Felix ang pangalan nya at may colon cancer sya. Stage 1 palang naman kaya malaki pa ang pag-asang magagamot, or should I say talagang magagamot pa sya. After namin dun ay tsaka kami bumalik sa tinutuluyan namin.

Fourth day namin nun sa bakasyon ng nagyaya na silang magswimming, first time naming magswimming mula ng makarating doon dahil puro gala sa kung saan-saang magagandang lugar ang inatupag namin. Saan ka nakakita ng pumunta ng Palawan para magbakasyon pero nakaapat na araw na umiwas sa dagat? Kami yon.

That day pinilit ako ng girls na magsuot ng two-piece bathing suit, pangalwang beses ko palang sa buong buhay ko nagsuot non, yung una ay nung sa fashion show sa school. Hindi ko maiwasang mailang nang nasa harap na kami ng maraming tao, samantalang yung mga kasama ko wala lang sa kanila na ganto ng suot namin. Color neon green yung bathing suit ko, nagco-complement naman sya sa kulay ng kutis ko dahil sa maputi din talaga ako.

At naglakad na nga kami papunta sa mga boys, ayaw gumalaw ng mga paa ko sa hiya nang makita ako nina Xed, Justin, kelvin at James. Imagine kung gano ako kahiya non? Pero epic ng lumingon na si Zeke sa direksyon ko, halos kumaripas na ako ng takbo palayo sa lugar na yon at pabalik sa Luzon sa kahihiyan ng magtama ang mga mata namin. Huminga ako ng malalim bago sya nginitian habang kita ko naman ang makailang lunok nya ng laway bago nya gantihan ang ngiti ko.

Unti-unti syang lumapit sa kinaroroonan ko dahil nga sa hindi na ako nakaalis sa pagkakatayu ko doon. Nagkaugat na yata talaga ang mga paa ko dahil sa kahihiyan. Sabi ni Megan wala naman daw ako dapat ikahiya dahil maganda naman daw ang hubog ng katawan ko pero ang sabi ko naman 'sa inyo lang effective ang reason na yan para di ma-shy sa suot natin'.

Naging malaking tulong ang compliment ni Zeke para kahit papano mabawasan ang hiya ko, unti-unti'y nasanay narin ako sa mga matang humahabol sa bawat galaw namin. I didn't expect na meron pa ngang mga nagpapa-picture samin at nangpi-picture samin habang naglalaro kami ng beach vollyeball doon. And believe it or not pero may nag-alok pa nga saming mag-artista o di kaya'y magmodel. What an unexpected day diba? pero hindi yun ang highlight ng araw na yon.

Ang highlight ng araw na yun ay ang dahilan kung bat napaaga ang uwe namin galing sa bakasyon.

E N D OF F L A S H B A C K

Forth monthsary na namin ngayon, pinatay ko ang phone ko dahil text sya ng text at tawag ng tawag. Mabuti nalang at linggo, walang pasok, walang trabaho kaya free akong tumambay muna dito sa kaibigan ko.

Casanova's CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon