Guys do vote. Mas masaya magsulat pag inspired promise :) . Para sana malaman ko kung like nyo itong story ko. TY.
+The invite +
~Sam's POV~
Calling....Unknown number
Reject
Calling....Unknown number
Reject
Calling....Unknown number
Reject
Calling....Unknown number
"Sino ba to? ang aga-aga mang-gising, lakas ng trip ah." sunday morning ngayon kaya walang pasok at balak kong matulog ng matagal dahil 1pm pa ang session ng tutorial ko. Anong oras palang ba?
[Uhm sorry naistorbo kita, tulog ka pa pala.]
"Sino nga ba to? Magpakilala ka kaya, pagkatapos mo ko gisingin eh magsosorry ka lang" !@#$%^&* naman oh, nakakabadtrip eh.
[Ako to Samuel, si Justin yung vocalista ng Mastermind. 10a.m na kasi kaya akala ko gising ka na. Naabala ko ata beauty sleep mo, sorry ah.]
Wahhhhh.......si Justin, anu ba to. Tumingin ako sa orasan at 10 a.m na nga akala ko madaling araw palang eh.
"Uhm Justin sorry ah pagod kasi ako eh, san mo nga pala nakuha number ko?" maamong sagot ko. Lord si Justin pala yung tumatawag bat di nyo ko ginising ng maaga.
[Sa sister ko, classmate mo sya sa med school.]
"Ah, sinu dun? Nu name nya?"
[Naku wag na natin yun pag-usapan, nga pala Sam gusto sana kita i-invite sa party ko eh]
"party?"
[yah.] Justin
"Party mo? Ah kelan ba yan? Alam mo kasi Justin may work kasi ako everyday eh. Madami dinakong sidelines kaya baka hindi ako makapunta."paliwanag ko naman
[Work?Eh diba scholar kana bat nagwowork ka pa?]
"Eh kasi Justin di naman kami mayaman eh, wala ako kahit pamasahe manlang pag di ako nagtrabaho. Ganon ako kahirap."
[Masipag ka lang talaga]
"Kelangan eh"
[grabe, matalino kana ang sipag mo pa. Bonus nalang ang pagiging maganda mo eh. Ano pa bang hahanapin ng isang lalaki sayo. Wala na.] sya with matching chuckle pa
"Ha?what do you mean?" I'm curious, anu bang pinagsasasabi nito.
[Nothing, so back to my purpose of calling you. May party kasi ko this coming Saturday night at a resort in Batangas so I'm thinking if you could come?] gosh papakilala na ba nya ko sa parents nya, Samuel Jill ah ambilis mo masyado.
"Kasi Justin ano.. Di talaga pede eh, ay di naman sa di pede pero kaylangan ko pumasok sa trabaho e.]
[Please Sam, please pede ba? please please please please.]
"Justin kasi di talaga pe.."
[Okay ganto nalang give me the number of your supervisor or manager, ako nalang magpapaalam for you.]
"Naku di na Justin, nakakahiya yun."
[Please, pupunta nalang ako sa trabaho mo kung di ka sasama.] Grabe ang kulit din pala ni Justin. I give up.
"Sige na, sasama na ko." isang beses lang naman eh, di naman siguro masama kung isang beses lang naman.
[Good! Good! Sama mo narin mga kaybigan mo para di ka naman mailang]
BINABASA MO ANG
Casanova's Cinderella
Romance"Hanggang sa hindi na lamang laro ang lahat." - Zeke Zerinllo