CHAPTER III: Theater Threats (Fabienne)

9K 467 121
                                    

A/N: After a long slumber, #PlayTheKingWP is now updated! I apologize if Fabienne's chapter has taken a very long while to write. I had to figure out what her own storyline is going to be this season. Good news is, I've kinda figured it out! Enjoy reading!

 Good news is, I've kinda figured it out! Enjoy reading!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


FABIENNE

HABANG PALAPIT nang palapit ang show dates namin, palakas din nang palakas ang nerbyos ko. LUB-DUB! LUB-DUB! This wasn't my first time performing on stage, pero iba pa rin kapag malapit na sa point na kailangang maging perfect ang bawat line, bawat movement, at bawat blocking. Just one mistake was enough para masira ang buong performance.

Dahil ako ang lead actress at isa ako sa may pinakamahabang exposure sa stage, mas malaki ang chances at mas maraming pagkakataon na magkamali ako. Imagine the embarrassment kapag may nakalimutan akong line o kapag mali ang pasok ko sa isang scene. So I needed to do my best to not mess things up! Ayaw kong mabato ng pamaypay ni Direk pagkatapos ng performance.

"You did great, Fab," puri ni Colin matapos ang death scene namin. Pareho naming suot ang aming costumes. Ako'y nakaputing dress habang siya'y nakaputing longsleeved polo. Nakasandal kami sa right wing panel ng stage kung saan hindi kami kita. "Kahit dress rehearsal pa lang, one hundred percent na ang ibinigay mong performance level. Hindi ka talaga nag-hold back."

"Ako lang ba?" Ninudge ko siya sa tagiliran. Pa-humble siya. "Ikaw rin kaya! Sobrang convincing ng pagkalason mo kanina. Kung may naka-standby na medic diyan, baka umakyat na sa stage para i-check kung okay ka."

"Mukhang pareho nating ayaw makatikim ng flying fan ni Direk."

"Sinabi mo pa!"

Sabay kaming tumawa. Tapos na ang scenes namin kaya puwede na kaming mag-relax. Pero shinush kami ng stage manager naming si Sienna. Sorry! Hindi pa pala tapos ang rehearsal. May final scene pa na ongoing habang nagtsi-chika-han kami ni Colin sa wing.

"Teka, may dugo ka pa sa labi," sabi niya.

"Ah, talaga?" Ako na sana ang magtatanggal n'on, kaso inunahan niya ako. He wiped the fake blood off the corner of my lips with his thumb. Pinasalamatan ko siya.

"Perfect!"

Sabay kaming lumingon ni Colin sa direksiyon ng babaeng nakatutok ang phone sa amin. Kulot ang buhok niya na abot hanggang balikat. No'ng una'y nakataas ang gadget niya, halos takpan ang kaniyang mukha. Nang satisfied na siya, ibinaba na niya ang kaniyang phone, ngumiti sa amin, at naglakad palayo.

Who's that girl? Ito ang first time na nakita ko siya rito. She's not part of the production. Teka! What if campus reporter siya na naghahanap ng behind-the-scenes scoop?

"H-Hey!" Hahabulin ko sana siya para i-request na burahin 'yon at tanungin kung ano'ng ginagawa niya rito, kaso nagdilim na sa stage. Hindi muna isinindi ang mga ilaw kaya wala akong nakita.

Play The King: Act TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon