FABIENNE
OH, MY goodness! Ang akala ko'y tapos na kami sa Oplan First Lady. Ang akala ko'y naibaon na namin 'to sa nakaraan. Ang akala ko'y matatakasan na namin ang stress na dulot nito. 'Di pa pala! Parang zombie 'to na bumangon ulit at hinahanap kami para paghigantihan.
Kung kailan ni-nominate na ang boyfriend ko bilang presidential candidate ng kaniyang bagong party, do'n pa pumutok 'tong isyu. Talk about bad timing! Talagang sinakto ni Alaric sa announcement. Ilang buwan na rin akong nagtitimpi sa kaniyang mga kalokohan, pero ngayo'y parang gusto ko nang sabunutan ang gintong buhok niya.
Right after the announcement in the auditorium, napagdesisyonan ng USC at ng SALVo party na pumunta sa student council office at do'n pag-usapan ang bombang pinasabog ng taga-kabilang party. The post didn't mention Alaric's name or any trace of the other political party, pero kanino pa ba manggagaling 'yon? Dagdag na rin na may ipinadala silang messenger two minutes bago ang exposé.
"Is it true na fake ang relationship n'yong dalawa?"
"Gaano n'yo na katagal niloloko ang mga estudyante?"
"Sa tingin n'yo ba'y tanga ang mga Elysian kaya naisip n'yo silang lokohin?"
"Magkano ang bayad sa 'yo, Fabienne? Maliban sa scholarship, may iba pa bang kapalit ang pagpapanggap mo bilang girlfriend?"
"Hindi ba kayo nakokonsiyensiya sa ginawa n'yo?"
Sinundan kami ng reporters mula sa iba't ibang publication at inulan ng mga tanong. Halos harangan nila ang daanan namin at isampal sa mga mukha namin ang kanilang phones. Rowan tried to control the crowd by telling them na i-a-address namin ang nakawiwindang na post ng Gotcha! sa isang official statement. Pero 'di basta-basta bumitaw ang mga reporter. Parang mga aso na ayaw mag-let go matapos bumaon ang mga ngipin sa binti namin. Medyo nakahinga na kami nang maluwag matapos makapasok sa USC office at mai-lock ang pinto nito. Pero mananatiling nakaabang sa 'min ang isyu kahit gaano pa kami katagal magtago.
The messages and mentions started pouring in. Maging ang friends and classmates ko sa theater ay nagtatanong sa 'kin kung totoo ang nakalagay sa post. Belle and Colin asked me the same question. I wanted to explain the situation to them, pero masyadong mabilis ang mga pangyayari at na-overwhelm ako sa buhos ng mga tanong. Biglang sumakit tuloy ang ulo ko.
I turned off my phone para huminto na 'to sa pag-ding at pag-buzz. 'Di ko pa tuluyang napo-process ang mga ganap. 'Di ko rin alam ang isasagot lalo na sa mga malalapit sa 'kin. Ayaw kong magbitaw ng mga salitang mas ikapapahamak ko at ni Priam. It's better to keep quiet and wait for the advice ng mga kasama ko. Kung ia-address namin 'to, dapat consistent ang sagot namin.
"Darn it!" Hinampas ni Castiel sa conference table ang kumpol ng mga papel sa kanang kamay niya. Napaangat ang magkabilang balikat ko sa gulat. "That freaking prick really timed this exposé during our announcement?!"
BINABASA MO ANG
Play The King: Act Two
Teen Fiction["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular president of the Elysian University Student Council, assumed office. Thanks to his chief-of-staff Cas...