FABIENNE
MASYADONG MABIGAT at masakit sa puso ang nasagap kong balita. I was having my afternoon classes nang may nag-notify na message sa group chat namin ng USC officers. Castiel's sister, Cassidy Seville, unfortunately passed away just within the hour after waking up from coma.
I never knew Cassidy personally. Narinig ko kina Kuya Fabrice, Priam, at Castiel ang pinagdaanan niya. Nakita ko rin siya nang personal sa kaniyang private room. 'Di ko man siya lubusang kilala, natulala pa rin ako matapos i-relay sa 'min ni Valeria ang malungkot na balita. Ilang minuto rin akong nakatitig sa pader, pasok sa isang tainga at labas sa kabila ang itinuturo ng Applied Theater instructor namin.
The pain that Castiel and the Seville family was going through must be beyond words. Halos isang taon din silang naghintay, nanalangin, at umasang magigising si Cassidy. No'ng namulat na ulit ang mga mata niya, malamang ay sobrang tuwa ang kanilang naramdaman. Finally, she's back. 'Tapos bigla-bigla siyang babawiin sa kanila matapos ang ilang minutong interaction. Parang may ibinigay sa kanilang good news, 'tapos "it's a prank" lang pala. Kung mapagbiro man ang tadhana, 'di 'yon isang magandang joke.
Pagkatapos ng klase ko bandang ala-sais, agad kong pinuntahan ang funeral home kung saan nakalagak ang labi ni Cassidy. Nauna na ro'n ang mga kasama ni Castiel sa USC. At school, we'd been calling him out for his aggressive actions. But here? Ceasefire muna lalo't mabigat ang pinagdaraanan niya at ng kaniyang family.
"Condolences, Cas," bulong ko nang makalapit ako sa kaniya. Nakaupo siya sa pinakaunang row ng pews, nakatulala sa kabaong na parang 'di pansin ang mga nangyayari sa paligid. I tapped his shoulder to get his attention. Umangat ang kaniyang tingin sa 'kin. Pulang-pula at namamaga ang mga mata niya. Bakas din ang traces ng luha sa kaniyang pisngi. Kanina pa siya nagluluksa. Wala siyang kibo sa 'kin.
Sandali kong ipinikit ang aking mga mata bago humakbang palapit sa kabaong. I took a deep breath first before looking at Cassidy inside the coffin. Halos maiyak ako nang makita ang inosente at tila natutulog niyang mukha. Parang walang pinagkaiba nang bisitahin ko siya no'ng isang araw. But I'd rather see her in a hospital bed than inside that box. Nanikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang hitsura niya.
Sunod kong pinuntahan ang mama't papa niya na nasa kabilang pew. I gave them my condolences and introduced myself as one of Castiel's friends. Wala pa sa gano'ng level ang relationship namin, but it wouldn't hurt anyway. Nabanggit ko rin sa kanila na ang kuya ko ay isa sa mga nurse na nagmo-monitor sa kanilang anak. They thanked me and asked me to send their thanks to my brother.
May iba pang gustong makiramay kina Mr. and Mrs. Seville kaya nagpaalam na ako at umupo sa tabi ng USC officers—nina Valeria, Lavinia, Sabrina, Tabitha, at Rowan. We sat on the second pew, just right behind Castiel. He sat there like a statue, 'di pa rin nilulubayan ng tingin ang kabaong ng kapatid.
"Gone so soon." Bumuntong-hininga si Rowan, mabagal na umiiling. Nasa kabilang dulo siya ng pew. "How old is she? Eighteen?"
"She was supposed to study at ElyU, too," sagot ni Valeria na katabi ko. "But the accident changed not only her life, but also her family's."
BINABASA MO ANG
Play The King: Act Two
Teen Fiction["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular president of the Elysian University Student Council, assumed office. Thanks to his chief-of-staff Cas...