CHAPTER VIII: Royal Restraint (Fabienne)

9.2K 493 349
                                    

FABIENNE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FABIENNE

ALL ALONG, I thought tapos na at naibaon na sa limot ang fake issue ko no'n. Parang nabuksan ulit ang sugat kong 'di pa tuluyang naghihilom. Muli na namang sumakit. Muli na namang nanariwa sa isip ko ang trauma. How? By reading the latest issue of The Herald. Halos mapunit ko sa dalawa ang diyaryo habang binabasa ang bawat paragraph.

CCS-CSC chair, officers involved in fake news spread —USC report

No'ng pumasok ako kaninang umaga, 'di ko masyadong pinansin ang pinamimigay na newspaper sa circulation station ng Herald. 'Di rin kasi ako mahilig magbasa ng diyaryo at wala rin ang pangalan ko sa headline. If Belle didn't bring it to my attention, 'di pa ako magkakainteres.

"Okay ka lang ba, Fab?" tanong ni Belle habang hinahaplos ang likod ko. Nasa backstage kami ng auditorium, naghihintay na matapos ng ilang kasama namin ang kanilang scenes sa stage.

Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga nang malalim. I took three deep breaths just to calm myself down. Nang unti-unting humupa ang namuong inis at galit ko, do'n ko na muling iminulat ang aking mga mata.

"I'd lying if I say na I'm one hundred percent okay," I replied bago itinupi ang diyaryo. 'Di ko natapos basahin ang buong article, pero sapat na ang nabasa ko para magkaroon ng idea kung ano'ng laman n'on.

"Grabe pala ang Chevy na 'yon!" Napapalatak si Belle habang iniiling ang ulo. "CSC chairperson 'tapos isa sa mga nagpapakalat ng fake news?"

I met Chevy during the team building. Hindi man kami masyadong nakapag-interact no'n, ramdam ko namang madali siyang pakisamahan at kalog kapag naka-close siya. Kaya nga 'di ko in-expect na magiging isa pala siya sa mga maninira sa 'kin.

"Siguradong hihingan ka ng comments ng ilang campus reporters," dugtong ng kaibigan ko. "Ano'ng balak mong sabihin?"

"Siyempre iko-call out ko siya," matapang kong sagot. 'Di na option sa 'kin ang manahimik lang. "Baka manawagan din akong mag-resign na siya out of delicadeza kung meron man siya n'on."

"Kung hindi siya magre-resign, kakaladkarin ko siya palabas ng kaniyang office. Hindi niya deserve na maging student leader at role model."

"Kung isa siya sa mga nagpakalat, kilala kaya niya kung sino ang nag-start nito?" Biglang sumulpot sa likuran namin si Colin. Kanina pa pala siya nakikinig sa 'min. "Hindi naman siya magiging involved sa pagpapakalat n'on kung walang nag-utos sa kaniya."

"Hindi niya kilala kung sino'ng nagsimula ng tsismis," pailing-iling kong sabi. "Malamang nakisakay lang siya sa hate train sa 'kin sa utos ng sinumang gusto akong siraan."

Kung may mastermind sa fake scandal na 'yon, walang iba kundi si Castiel. Hay, naku! Kumukulo na naman ang dugo ko sa kaniya. Bumabalik na naman ang trauma na ibinigay niya sa 'kin for the sake of his plan. Siyempre, 'di ko puwedeng sabihin kina Belle at Colin ang katotohanan. Ayaw ko na ring maging mas komplikado pa ang sitwasyon. Baka lumpuhin pa ni Belle si Castiel kapag nalaman niyang siya ang nagsimula ng fake news.

Play The King: Act TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon