FABIENNE
THE NEXT day, no show pa rin Castiel sa USC office. No show rin siya sa kaniyang classes. Geez. What's going on with that guy? Parang 'di siya ang Castiel na nakilala no'n. He wasn't the type to just give up and walk away. Remember when I was about to expose him to Reynard? Ginawa niya ang lahat para magbago ang isip ko. Nilabag pa nga niya ang nakasaad sa non-disclosure agreement at lumuhod pa nga siya sa harapan ko. That guy who wouldn't just leave things hanging was nowhere to be found right now.
He might have run away far from campus, but I had the feeling na nasa university apartment pa rin siya. After my classes this afternoon, I decided to go straight there. Tinanong ko muna sa super accommodating guard sa lobby kung napansin niyang lumabas si Castiel. Mabuti't may unique description sa kaniya—ang paika-ika niyang paglalakad at ang hawak niyang cane—kaya madali siyang matatandaan. The guard told me na never pa niyang nakitang lumabas ang lalaking 'yon.
So I rode the elevator and pressed the button going to the fourth floor. Tanda ko pa ang kanilang floor at room number dahil ilang beses din akong pumunta rito para dalhan ng pagkain si Priam no'ng nagkasakit siya. Napasimangot tuloy ako. Just the mere thought of him was enough to make me sad.
I walked down the hallway hanggang sa narating ko ang tapat ng kanilang unit. Kumatok ako ng tatlong beses, pero walang sumagot. Muli akong kumatok, mas binilisan at nilakasan ko pa, pero wala pa ring sumagot. Is no one inside?
"Cas? Nandiyan ka ba? Cas?" Ang suwerte niya dahil willing akong magsayang ng energy at oras para i-check kung kumusta siya. Inilapit ko sa super liit na siwang sa pintuan ang aking bibig para mas marinig niya ang boses ko sa loob. "Cas? Si Fab 'to!"
Pero wala pa rin akong natanggap na sagot. Sunod kong pinagsabay ang katok at tawag sa pangalan niya. Ayaw kong gumawa ng eksena rito, lalo na't baka may katabing tenants siya na nagre-review o nagpapahinga, kaya 'di ko masyadong tinodo ang katok at tawag. Baka maisyu pa ako na nang-iiskandalo sa tahimik at payapang university apartment.
Ten minutes later, 'di pa rin ako pinagbuksan ng pinto at wala pa ring sumagot. May tao pa ba sa unit na 'to? Teka! Baka may nangyari sa kaniya? Baka nadulas siya habang naliligo sa banyo 'tapos nabagok ang kaniyang ulo? I sniffed twice. Wala pa naman akong nade-detect na masangsang na amoy mula sa loob. Kung sakaling aksidente siyang namatay o namatay siya sa gutom, paniguradong umaalingasaw na ang amoy at nagreklamo na ang kapwa tenants niya. So he must still be alive.
I wished I had the strength to bring down this door. Kahit ilang beses ko sigurong pagsisipain o i-body slam ang pinto, it wouldn't budge open. In emergency cases like this, isa lang ang solusyon na naiisip ko. Bumaba ako sa lobby at muling kinausap ang pandak na guard. I used my acting skills to convince him na buksan ang pinto sa unit ni Castiel. I told him na baka may nangyari na sa kakilala ko—I wouldn't use kaibigan, by the way—kaya kailangan na namin siyang i-check. As expected, he was so convinced by my acting kaya kinuha niya ang spare card key at sinamahan ako pabalik sa taas.
BINABASA MO ANG
Play The King: Act Two
Fiksi Remaja["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular president of the Elysian University Student Council, assumed office. Thanks to his chief-of-staff Cas...