SILENCE, PLEASE?
May naulinigang tsismis ang Gotcha tungkol sa isang campus personality na diumano'y binusalan ang bibig para hindi makapagbigay ng komento sa mainit-init na kontrobersiyal na isyu ngayon.
Ayon sa bulong-bulungan, gusto ni Favorite Lass na depensahan ang isang Powerful Target mula sa mga paratang laban dito. Ang kaso, sinabihan siya ng Regal Team na huwag makisawsaw sa isyu at hayaan ang opisyal na spokesperson ang magsalita para sa kaniya. Ang dahilan? Baka raw maapektuhan ang "numero" na magdidikta sa tagumpay ng kanilang kasalukuyang proyekto.
Wala ngayong magawa si Favorite Lass dahil ayaw rin niyang malagay sa peligro ang kaniyang posisyon lalo na't puwede siyang palitan ng ka-relyebo niya. Pero sa totoo niyan ay kating-kati na siyang magsalita, parang pangangati ng lalamunan na hindi matanggal ng lozenges!
Gusto rin umano nitong linawin ang isang tsismis na kumakalat na parang respiratory virus kung saan involved ang isang Cool Dude. Guess what? Pinagbawalan ulit siya ng Regal Team dahil makatutulong ang gimik para sa kanilang "numero."
Dati nang nasangkot sa isang isyu noon si Favorite Lass na napatunayang fake news at gawa-gawa ni Mischievous Jock na ngayo'y naparusahan na.#
A/N: Fabienne's POV chapter will be posted later at 6 p.m.!
BINABASA MO ANG
Play The King: Act Two
Teen Fiction["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular president of the Elysian University Student Council, assumed office. Thanks to his chief-of-staff Cas...