FABIENNE
NEVER PA akong tumakbo nang ganito kabilis sa buong buhay ko.
When I received Tita Primavera's message this morning, 'di na ako nagdalawang-isip pa at agad akong umalis ng campus. Saktong magla-lunchtime na no'n kaya wala akong mai-skip na classes. Instead na sumakay ng dalawang jeep papuntang Clark Medical Center, mas pinili kong mag-book sa ride-sharing app para deretso na ako ro'n.
Pagdating sa tapat ng ospital, kumaripas ako nang takbo palabas ng sasakyan. Bigla akong tinawag ng driver, muntik na nga niya akong habulin. Akala ko'y may nakalimutan akong gamit sa loob. Nakalimutan ko palang magbayad ng fare. Pasensiya na. Sobrang preoccupied ko kasi kaya nawala 'yon sa isip ko.
Why was I in a hurry? Mas bibilis ba ang pag-recover ni Priam kapag nakarating ako ro'n nang maaga? Nope! Definitely not. Pero kinabahan ako lalo na no'ng naalala ko ang ikinuwento sa 'min ng mga magulang nina Castiel at Cassidy. Just within the hour after their daughter woke up, namaalam na 'to sa kanila. I was worried na baka gano'n din ang mangyari kay Priam. Alam kong magkaiba ang circumstances ng dalawa, pero 'di ko pa rin naiwasang mangamba.
That's why I wanted to see him as soon as possible. Kahit anuman ang mangyari sa kaniya—sana'y wala nang masama—ang importante'y makita ko siya habang siya'y mulat at buhay. I'd missed his face for a long time, it's the only thing I wanted to catch a glimpse of today.
Dahil alam ko na ang floor at room number ni Priam, deretso na ako sa elevator. Pag-slide ng pinto nito pabukas, sumingit ako sa mga nakapila at nakisiksik na sa loob. Once it reached the seventh floor, ilang beses akong napa-"excuse me" para padaanin ako at makalabas na. Once I made it outside, muli akong kumaripas ng takbo sa hallway.
Huminto ako sa tapat ng Room 707 at hinabol muna ang aking hininga. If this wasn't an emergency, pupunta muna ako sa washroom para i-check ang hitsura ko at mag-retouch. But I didn't care about my looks. Wala akong pakialam kung mukha akong haggard at buhaghag ang buhok ko. Ang importante'y makita ko na agad si Priam.
Huminga muna ako nang malalim at sandaling ipinikit ang aking mga mata. Hinawakan ko ang doorknob, ramdam ng mga daliri ko ang lamig nito, bago ko maingat na ipinihit at itinulak papasok. I went inside with my eyes closed. Una kong narinig ay ang mahihinang usapan, 'tapos ang constant beep ng machine. Humakbang pa ako nang ilang beses bago iminulat ang mga mata ko. My head slowly turned to the left.
Napaawang ang aking bibig. Nagsimulang maglawa ang mga nanlaking mata ko habang tinititigan ang maamo niyang mukha. Napakagat din ako ng labi para pigilang tumulo ang mga luha ko, pero may isang butil na nakawala mula sa kanan.
Finally! After weeks of praying and hoping...
Sinubukan kong magsalita, pero parang may nakabara sa lalamunan ko. But I kept on trying hanggang sa may lumabas na boses.
"Y-Yam..." tawag ko.
Priam Torres, who'd been in coma for more than a month, was sitting upright in his bed! Mulat na ang mga mata niya, pakurap-kurap pa nga sa direksiyon ko. Nanuyo ang mga labi niya, pero pinilit niyang ngumiti. Nanghihina pa ang katawan niya, pero pinilit niyang itaas ang kaniyang kanang kamay para kawayan ako. Nabawasan ang muscles niya at pumayat ang kaniyang braso.
BINABASA MO ANG
Play The King: Act Two
Teen Fiction["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular president of the Elysian University Student Council, assumed office. Thanks to his chief-of-staff Cas...