FABIENNE
"ROMEO?" TAWAG ko nang bumagsak ang katawan ni Colin sa aking tabi. I was lying flat on my back, pretending to be dead for minutes. Bigla akong bumalikwas mula sa pagkakahiga. Nanlaki ang mga mata ko, halos malaglag ang aking panga, nakabuka ang aking bibig, at nanginginig ang aking baba. "Romeo?"
Ramdam ko ang init ng spotlight na nakatutok sa 'min. Maamo ang mukha ni Romeo at bahagyang nakadilat ang mga mata. I gently slapped his face, careful not to hurt him a bit dahil baka mapa-aray siya o gumalaw nang biglaan. Iginala ako ang aking tingin hanggang sa makita ang walang lamang bote ng lason sa tabi niya.
"Hindi... Hindi, Romeo..." Nagsimulang tumulo ang mga luha ko habang hawak at pinagmamasdan ang bote. Pumatak pa ang ilan sa mga 'yon sa mukha ni Colin. Paulit-ulit akong umiling kaya tumilamsik ang mga luha ko. "Hindi... Hindi ito maaari!"
In-imagine ko na isa sa mga mahal ko sa buhay ang nakahandusay sa aking tabi. Just the mere thought of it could make me tear up. Medyo mababaw kasi ang luha ko kapag may nababalitaan akong pumanaw na kamag-anak. Thanks to it, mas madali akong nadadala sa eksena at 'di ako nahihirapang umiyak sa kahit anong sitwasyon.
"Napaka-selfish mo, Romeo." Hinaplos ko ang mukha niya. "Hindi mo ako tinirhan maski isang patak para makasunod ako sa 'yo. Pero baka..."
I lowered my head and moved in for a kiss. Hinayaan kong dumampi ang mga labi ko sa mga labi niya. Unlike the first time we did this scene during the audition, 'di nanlaki ang mga mata ni Colin sa gulat. 'Di rin siya gumalaw na parang bangkay.
Nagkahiwalay na ang mga labi namin. "Ang init ng bibig mo, Romeo, kasing-init ng pag-ibig mo na hindi kayang palamigin ng kamatayan."
Inabot ko ang patalim sa tabi at itinutok sa 'king tiyan. Tumigil na ang pag-agos ng mga luha ko, pero ramdam kong may naiwang traces sa aking pisngi.
"Wala nang saysay pang mabuhay sa mundong ito kung wala ka. Kaya mas mabuti pang hayaan ko ang patalim na ito na dalhin ako kung nasaan ka!"
Napasinghap ako matapos tumama ang kutsilyo sa aking tiyan. May tumulong dugo na nagmarka sa puti kong damit. Don't worry, that's just a prop. May nakatagong blood pack do'n na maglalabas ng dugo kapag tinamaan. The blade was also retractable. Bumagsak ang katawan ko sa tabi ni Romeo, magkaharap ang mga mukha namin at nakatulala ang mga mata sa isa't isa.
Unti-unting dumilim ang liwanag mula sa spotlight kasabay ng pagsasalita ng isang narrator. Dahan-dahan ding gumalaw ang mga kurtina sa magkabilang gilid hanggang sa magtagpo sa gitna para takpan kami. As soon as the curtain fell, agad na bumangon si Colin at tinulungan akong tumayo. Lumabas ang iba pa naming mga kasama at gumawa kami ng isang deretsong linya nang nakahawak-kamay. Nagbalik na ang lights sa audience area. Pagbukas ng telon, bumati sa 'min ang nakasisilaw na liwanag. We silently counted down to three before taking our bows.
BINABASA MO ANG
Play The King: Act Two
Teen Fiction["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular president of the Elysian University Student Council, assumed office. Thanks to his chief-of-staff Cas...