FABIENNE
ITO NA ang fourth time na binisita ko si Priam this week. On my way to the hospital, nanalangin ako na sana'y mulat na siya pagdating ko. I wanted to see him smiling again kahit 'di siya madalas na ngumiti. That would be the greatest gift to me kahit malayo pa ang birthday ko. Kaso pagdating ko sa private room niya, his eyes remained shut and his body remained still.
Napasimangot ako. I sometimes wondered kung alin ang mas masaklap: ang malamang namatay na ang isa sa mga mahal mo sa buhay o ang malamang walang kasiguraduhan kung magigising pa siya. Masakit sa puso kapag pumanaw na ang isang tao, pero lilipas din ang panahon hanggang sa tuluyan nang makapag-move on ang mga naiwan niya. Pero kapag na-coma ang isang tao? 'Di ko maipaliwanag ang feeling dahil mahirap siyang i-describe.
On one hand, masaya ako dahil 'di natuluyan si Priam at may chance na magising pa siya. On the other hand, baka naghihintay kami sa wala at... pumanaw rin siya makalipas ang ilang linggo, buwan, o taon. I refused to entertain the latter thought, pero mahirap balewalain ang possibility na 'yon.
Naalala ko ang sinabi ni Castiel sa 'kin. Halos mag-iisang taon nang naka-coma at naka-admit ang kapatid niya, pero hanggang ngayo'y 'di pa rin 'to nagigising. That must have been hard not only for him, but for the Seville family, too. Naintindihan ko kung saan niya hinugot ang kaniyang pagmumukmok sa apartment nang dalawang linggo. Natatakot siyang baka gano'n din ang mangyari kay Priam. Natatakot din ako sa posibilidad na umabot nang gano'n katagal ang coma niya. Pero...
Hay, naku! Ayaw ko nga munang isipin 'yon! Tita Primavera was so hopeful that her son would wake up again, kaya 'di rin dapat ako panghinaan ng loob. Hangga't humihinga pa siya, hangga't may vital signs pa siya, may pag-asa pa. Lumalaban pa si Priam kaya dapat ay lumaban din kami.
I stood by Priam's bedside and caressed his jet black hair. Bahagyang humaba ang buhok niya. Napakaamong tingnan ng kaniyang mukha, pero namayat na at halos litaw na ang cheekbones gaya kay Castiel. Guwapo pa rin siya.
Kung sanang may puwede akong gawin para gumising na siya...
Bumukas ang pinto sa bandang likuran ko. Kasabay ng nilikha nitong kaluskos ay ang sunod-sunod na clank. Nanlaki ang aking mga mata at agad akong lumingon do'n. Napanganga ako nang bumati sa 'kin ang mukha ni Castiel. Nakasuot na siya ng maroon blazer at golden necktie. Compared no'ng binisita ko siya sa apartment, maayos na ang pagkakasuklay ng buhok niya at clean-shaven na rin siya ngayon. Mabuti't na-groom na niya ang kaniyang sarili.
"Cas," pabulong na tawag ko. Himala, 'di agad kumulo ang dugo ko o tumibok ang ugat sa 'king sentido pagkakita sa kaniya. 'Sabagay, nagkausap na kami no'ng isang araw kaya nabawasan na ang bigat at sakit na nararamdaman ko sa kaniya. Pero may natira pa rin sa kaloob-looban ko. Anyway, this wasn't the time and place to be upset with him. Nakahihiya kay Priam.
"Fab," tawag niya sabay lapit sa 'kin. Halos sabay ang beep ng machine sa tabi ng kama ni Priam at ang clank ng kaniyang cane. Tumayo siya sa tabi ko at pinagmasdan ang walang malay niyang kaibigan. Lumukot ang mukha at naglawa ang mga mata niya. Dalawang linggo na rin no'ng huli siyang pumunta rito. Ngayon ulit niya nasilayan si Priam.
BINABASA MO ANG
Play The King: Act Two
Teen Fiction["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular president of the Elysian University Student Council, assumed office. Thanks to his chief-of-staff Cas...