FABIENNE
ORAS NA para magpakatotoo. Oras na para hubarin ang damit ng kasinungalingan. Oras na para aminin ang dapat aminin. Kahit 'di ako ang nakaisip ng Oplan First Lady, aminado akong naging kasabwat din ako ro'n. May mga mantsa sa mga kamay ko na kahit ilang beses kong hugasan ay 'di matanggal-tanggal. Kaya dapat ay harapin ko 'to kasama si Priam at ang USC.
Dahil sa exposé na ni-reveal ng Gotcha, may mga nanawagang i-withdraw ng SALVo ang nomination kina Priam at Tabitha. Oo, damay maging ang treasurer dahil may seal of approval daw niya ang plano. Meron na ring nanawagan na ipa-impeach ulit ang president dahil sa panlilinlang sa student body na isa raw malaking kasalanan. Nasaktan ako sa mga salitang ibinato sa kaniya. Sinungaling, mambubudol, manloloko, at iba pang synonyms ng mga salitang 'yon.
Damay rin ako sa galit at inis ng ilang estudyante. I somewhat deserved it, too. Sobrang galing ko raw umarte sa labas ng theater na napaniwala ko ang halos lahat na totoo ang relationship namin. Puwede na nga raw akong pumasok sa showbiz. May ilang 'di na nagulat sa revelation dahil nagsuspetya na sila magmula pa no'ng umpisa. Pero may iilang dinepensahan ako at sinabing biktima ako rito. Tinake advantage daw ng USC ang sitwasyon ko kaya 'di raw dapat mabunton sa 'kin ang galit ng iba.
Isang araw matapos pumutok ang Oplan First Lady scandal, nagpaalam ako kay Direk Bernard kung puwedeng um-absent muna ako sa blocking rehearsals namin. Parang 'di ko kakayaning humarap muna sa mga tao. Sa klase ko nga kanina, sobrang ilang ako. Pumayag siya dahil naiintindihan daw niya ang sitwasyon ko. Unahin ko raw munang plantsahin ang gusot para wala nang bumagabag sa 'kin sa susunod na rehearsal.
If he wasn't the Repertory Theater director, malamang sinideline na naman ako sa 'king role para maisalba ang image ng play namin. Gano'n ang gagawin ng dating direktor kung siya pa ang nagma-manage ng Orosman at Zafira.
Maliban sa theater, may mas mabigat na bagay pa akong dapat harapin—ang mga kaibigan ko. I hadn't explained to them magmula kahapon dahil iniisip ko pa kung paano iko-compose ang explanation ko. Kung puwede akong magpalamon sa lupa para maiwasan ang possible confrontation ko sa kanila, buong puso kong pahihintulutan 'yon.
"Fab, is it true?" 'Di ako nakaiwas sa pang-uusisa ni Belle. "Talaga bang fake ang relationship n'yo ni Mr. President?"
Matapos magpaalam kay Direk, nilapitan ako ni Belle at tinanong kung puwede kaming mag-usap. I could've declined and run away from her, but I owed her an explanation. She's my friend and she deserved one. Kahapon pa siya naghihintay at dama kong nasaktan siya. 'Di nga niya ako binati kaninang umaga. 'Di nga rin niya ako kinakausap magmula kanina.
"Yes, it is," walang pagdadalawang-isip kong sagot. Binale-wala ko ang naiisip kong mahabang paliwanag. Bahala na. She deserved not just an explanation, but also the truth. "Nag-umpisa ang relationship namin bilang fake."
"Kaya pala..." Tumalikod siya sa 'kin at bumuntong-hininga. Dama ko ang disappointment niya. "Kaya pala ang bilis ng development ng relasyon n'yo. Kaya pala 'di mo na siya pinadaan sa 'kin. It's all an act pala. But why didn't you tell me? Maiintindihan ko pa kung 'di mo sinabi sa ibang tao. Pero sa 'kin?"
BINABASA MO ANG
Play The King: Act Two
Teen Fiction["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular president of the Elysian University Student Council, assumed office. Thanks to his chief-of-staff Cas...