FABIENNE
I WAS aware of what I was doing. I knew the potential rewards I could reap, as well as the possible consequences I could suffer. Alam kong masyadong risky sa part ko at inilalagay ko rin sa risk ang lahat ng mga pinaghirapan ko. Pero 'di ko magagawang manahimik sa isang sulok at hayaan ang mga kasinungalingan na kumalat pa sa campus. 'Di ko rin magagawang maging bystander habang kinukuyog ng ilan ang isang taong malapit sa 'kin.
As long as kaya kong danasin at tiisin ang bunga ng mga kilos ko, willing akong sumugal. Life is a huge gamble after all.
"Fabby! Fabby! Just a moment, please!"
"Nabasa mo na ba 'yong post ng Gotcha? Alam mo ba 'yong blind item?"
"Ikaw ba ang tinutukoy ro'n sa post? Match na match 'yong initials ng Favorite Lass sa initials mo!"
"Totoo bang 'di ka pinagsasalita ng Repertory Theater? May gag order ba sa 'yo?"
"Ano'ng comment mo sa impeachment trial na kinakaharap ng boyfriend mo?"
"Maglalabas ka ba ng statement of support sa kaniya?"
Umagang-umaga pa lang, sunod-sunod na tanong ang pina-almusal sa 'kin ng entertainment reporters. They were waiting for me at the entrance of the Arts and Sciences building! In-expect ko nang may mga magtatanong sa 'kin tungkol sa Gotcha post, pero 'di ko in-expect na sobrang dami ng magtatanong. Kagabi pa ako nakare-receive ng messages mula sa mga 'di ko kakilala, asking almost the same questions.
I should've expected this much lalo na't ang daming reactions do'n sa post. It went viral! May mga nag-tag pa nga sa 'kin. Halos kapareho ang reception kapag may controversial post tungkol sa isang celebrity.
"Fabby? May gusto ka bang sabihin? Now's the perfect time to speak up!"
Nagpatuloy ako sa paglalakad mula sa entrance hall hanggang sa stairs. Nagpatuloy rin sa pagbuntot sa 'kin ang reporters. Nakayuko na nga ako at halos natatakpan na ng aking buhok ang mukha ko para 'di ako makunan ng clear picture.
Hay! Kung alam lang nila ang totoo, I had a lot to say to them! Mawiwindang sila sa mga puwede kong i-share. But I chose to hold my tongue and not say anything at all. Strategic move 'yon sa part ko. At this point, I could make things worse for myself and for everyone. Mabuti't may natutuhan ako sa celebrity news na napanood ko sa TV at nabasa sa internet.
"Fabby! Please say something! We're here to listen to you!"
"No comment!" I said while shaking my head. 'Yon ang best response sa sitwasyong 'to. Well, having no comment was a comment in itself. But I'd leave the rest to their imagination and speculations. Sila na ang bahalang gumawa ng kani-kanilang conclusions kung ano ang meaning sa likod ng response ko. They loved making stories and theories anyway. Do'n sila magaling.
BINABASA MO ANG
Play The King: Act Two
Teen Fiction["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular president of the Elysian University Student Council, assumed office. Thanks to his chief-of-staff Cas...