FABIENNE
ANG SARAP imagine-in na may susundo sa 'yo papuntang school, 'no? 'Yong magbabatian kayo ng "good morning," 'tapos magkukuwentuhan kung kumusta ang tulog n'yo. 'Tapos sabay kayong maglalakad papunta sa building ng classes n'yo.
Lucky for me, I didn't have to imagine anymore. It's actually within my reach na.
Maaga akong nagising ngayong Wednesday kaya maaga rin akong nakaligo at nakapagbihis. Pagbaba mula sa 'king unit, nadatnan kong naghihintay si Priam sa lobby ng dormitory. Madali siyang nag-stand out sa crowd dahil sa suot niyang maroon blazer. Tanging USC officer gaya niya ang puwedeng magsuot n'on. Napaisip tuloy ako kung 'yon ba ang dahilan o kung naguguwapuhan din ang ibang estudyante sa kaniya kaya siya pinagtitinginan. Matikas ang tindig niya, wala nang walker na nakasuporta. Tuluyan nang bumalik ang lakas ng mga binti niya.
I couldn't pinpoint what it was exactly, pero may nagbago sa kaniya. Mas pumogi siya. Mas lumakas ang dating niya. Baka dahil mas maayos na ang pagkaka-style niya sa kaniyang buhok, 'tapos naging maaliwalas at magaan na rin ang aura niya? He no longer looked as serious and intimidating as before. Gano'n ba ang effect kapag na-in love?
"Good morning, Yen!" bati niya sabay lapit sa 'kin. "How's your sleep?"
"Good morning, Yam!" bati ko pabalik sabay beso sa kaniya. Merong nagtilian sa gilid namin habang pinanonood kami, 'yong mga estudyanteng nakasabay ko sa elevator pababa rito. "Maayos naman ang tulog ko. Ikaw, kumusta? Mukhang 'di na gano'n kalalim ang eyebags mo, ah?"
Nginitian niya ako. Mas pumogi pa siya sa paningin ko. Parang siya na nga ang pinakaguwapong lalaki sa campus. Ganda ng smile niya, eh. "I was told to sleep early, so I'm just following my doctor's advice."
"Aba! Napakamasunurin mo namang pasyente. Ang galing siguro ng doctor mo, 'no?"
Ilang araw na ang nakalipas mula no'ng naging officially kami ni Priam. Saktong January 1 nang sagutin ko siya, habang pumuputok at umiilaw ang fireworks sa paligid namin. 'Di ko ibinigay ang matamis at literal kong oo sa kaniya, but I said something to that effect.
Magmula no'n, gumaan na ang aking pakiramdam at nakahihinga na ako nang maluwag. Naalis na rin sa wakas ang mabigat na pasanin sa likod ko. Habang patagal nang patagal kasi, bumibigat 'yon kaya mabuti't wala na ngayon. 'Di na rin ako dinadalaw ng kaba na baka one day ay mabuking ang pagpapanggap namin. Natanggal na rin ang guilt na nararamdaman ko from time to time.
I was finally free from that burden. Wait! I wasn't the only one. We're free at last.
Sabay na kaming lumabas ng dorm at naglakad patungo sa Arts and Sciences building. Sinalubong kami ng mga titig at tili. Lagi niya akong hinahatid sa dorm, pero never pa niya akong sinundo mula ro'n. Pagkatapos niya kasing mag-ayos, deretso na siya at si Castiel sa USC office. Wala na siyang time para dumaan pa sa ibang lugar.
BINABASA MO ANG
Play The King: Act Two
Teen Fiction["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular president of the Elysian University Student Council, assumed office. Thanks to his chief-of-staff Cas...