PROLOGUE

74 19 19
                                    


"Hindi ka pa ba tapos mag-aral?"

Tanong ni Levi pagkapasok niya sa kwarto ko.

"Obvious ba?" Tinaasan ko siya ng kilay at padabog na isinara ang aking Macbook Pro 2021, 1 TB SSD Storage, fully paid. Bakit nandito na naman kaya ang lalaking ito? Hindi pa ba nagsasawa sa malaporselana kong mukha? Inaraw-araw na niya ang pagpunta rito. Mas pinapaboran na nga siya ng tatay ko kaysa sa akin.

"Ba't nandito ka na naman?" Pagalit na tanong ko sa kaniya.

"Ba't ba ako nandito? Ano mo ba ako? Ah, baka boyfriend mo. Nandito ako para ilabas ka dahil puro ka na lang pag-aaral, kailangan mo ring magpahinga, hoy!" Natatawang sambit niya at inihagis sa akin ang ibinigay niyang teddy bear na saging na nakuha niya sa arcade.

"Kapal mo! Anong tingin mo sa akin? Robot? Walang kapaguran?" Inis na tanong ko sa kaniya.

Napansin ko sa mga nagdaang buwan ay iginugugol ko ang aking oras sa pag-aaral upang hindi mag- isip ng kung ano-ano. Parang may nakakubling pagyayari sa aking isipan na bumabagabag sa akin sa tuwing ako ay walang ginagawa at malalim ang iniisip ngunit hindi ko ito maalala.

"Oh, ba't ka galit? Kamukha mo na naman si Squidward."

"Nakakainis ka! Nagpapahinga kaya ako at hindi ako galit kaya hindi ko kamukha si Squidward." Inis na sabi ko sa kaniya.

Minsan itong lalakeng 'to, hindi ko ala kong boyfriend ko ba to o ano dahil pinaglalaruan niya ako minsan at palaging binobola. Kaya inis na inis ako sa kaniya eh. Pero mahal na mahal ko yan dahil siya ang nakakaintindi sa akin at pareho kami ng taste sa mga bagay. Haaaay. Laking pasasalamat ko sa Panginoon dahil binigyan niya ko ng isang taong makakaintindi at magmamahal sa akin tunay. Napakaswerte ko naman, mabait na, magalang pa, at napakapogi. Ang ganda ko naman kung ganoon.

Natatawa na lamang ako sa mga naiisip ko.

"Hindi ka naman mabiro! Ano bang ipinuputok ng butchie mo ha?" Natatawang tanong niya

"Wala, nakakainis ka lang" nahawa na rin ako sa tawa niya.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Grabe! Ba't ba ang bango ng lalaking to? Amoy green flag, sarap pakasalan.

"Labas tayo, love? Pagod na akong mag-aral eh. Pahinga muna ako kasama ka kasi ikaw ang pahinga ko. Namiss din kita eh." Sabi niya habang hagkan ako sa kaniyang matitipunong mga bisig. Grabe! Ang ulo ko ay umabot lamang sa kaniyang dibdib. Ang liit ko!

Aysus!

"Namiss din kita. Saan tayo pupunta? Tanong ko sa kaniya.

"Saan mo ba gusto?" Tanong niya.

"Hindi ko alam. Bahala ka na lang ulit. Nagugustuhan ko naman kung saan moa ko dinadala." Sagot ko.

Bumaling siya sa akin at ginugulo ang buhok ko na parang aso, "long weekend naman eh, gusto mo out of town tayo? Ay, out of city pala" Natatawa na namang sambit niya.

"Sige, pero dadalhin ko ang laptop ko ha, isisingit ko ang mga school works ko sa pupuntahan natin." Sabi ko sa kaniya.

"Ano ba yan, nagiging karibal ko na yang fully paid mong macbook ha pero sige na nga, mahal naman kita eh!"

Mambobola talaga kahit kailan. Totoo naman kasi, hindi na kami masyadong nakakalabas dahil marami akong tinatapos na kailangang ipasa sa paaralan. Saan kaya kami pupunta. Gusto ko sanang pumunta sa kabundukan para mas lalong marelax dahil nakakapagod ang ginagawa sa paaralan ngunit gusto ko ring magswimming. Siguro sa dagat kami pupunta.

"Mag-impake ka na ng mga damit mo. Sa Pasaleng tayo pupunta ngayon. Alam mo doon sa dagat na parang Coron, Palawan? Syempre hindi mo alam. Doon tayo pupunta. Ipinagpaalam na kita kay tito."

TALIMUWANGWhere stories live. Discover now